Day 22 – Google Search

Masyado nang sikat si Uncle Google sa internet no!, Halos lahat ata ng taong may gustong hanapin eh si Uncle Google ang kinukunsulta. Ako rin, sya rin ang madalas kong pagtanungan kapag may hindi ako masagot na mga bagay-bagay.

Kaya kaninang nag-iisip ako ng pwedeng maging post ngayon para sa Project 365 ko, naisip kong bisitahin ung log ng mga bumibisita dito sa blog ko, kung ano-ano ang mga hinahanap nila at napupunta sila dito sa pahina ko…eto ang napagtanto ko!


Hindi na dapat ipaliwanag to, kasi alam naman nating?nalalapit na ang Araw ng mga Tatay.

Kaya siguro naghahanda na ang mga anak para sa espesyal na araw na to.

 

Psst! Okey ka lang? Anong balak mo? Wag mo itutuloy yan, marami nagmamahal sayo.

Tingnan mo naman ung kinukunsulta nya kay Uncle Google, “Mamatay akong hindi….”

Buti na lang, yung Bukang Liwayway na article ko ang napuntahan nya.

Sana natulungan ko sya at hindi tinuloy ung balak nya…

 

Ay eto madalas ko tong makita sa log ko. Nakakatuwa lang na marami

pa rin sa atin na inaaalala ang mga kasalukuyang problema ng bansa

 

Hmmm, May balak to! Mukhang magko-community service to

at manghihikayat ng iba para hindi sya nag-iisa.

 

Bwahahaha! Seryoso nagtatanong kung ano ang politics,

napunta sa article kong Boy Bastos – What is Politics?

Pero sigurado natuwa sya nung mabasa ung article…

 

ETO ANG MALUPET!!!

Iniisip ko kung sino ang kumunsulta kay Uncle Google nito eh.

Ung kabit kaya dahil natatakot syang mademanda?

O yung tunay na asawang balak magdemanda sa asawa nyang nangangaliwa?

O ung mismong nangangaliwa ang kumukunsulta? Baka gusto nya pakulong ung kabit nya! lolzz

Ang masama pa nito, Napunta sya sa article kong Katapusan na nga ba?!

 

Minsan ang saya ring tingnan kung paano napunta ang mga bisita natin sa pahina natin enoh, kung paano nila nahanap ang blog natin. Kaya tuloy isa ito sa mga iniisip ko bago gumawa ng poste, yun bang may mga taong makakarelate, o ung pag nabasa nila ung article ko ay matutulungan ko sila o di naman kaya, mapapatawa, diba? Gaya ng lang nung nasa taas na mamatay daw sya na hindi nasisilayan ang liwanag, malamang nakapag-isip-isip sya nung mabasa nya ung article ko…

Sana!…

 

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      ay oo, kasi nagbabase lang naman sya sa mga gawa ng iba eh…tulad nyan, kumunsulta ung isa sa kanya, dinala nya sa pahina ko na walang kwenta 😀

  1. animus says

    Hi LordCM!
    hahaha..naaliw ako sa iyong post…sobrang natawa ako sa mga side comment mo..napaka-helpful talaga ni uncle google. 🙂

  2. says

    heheh.ako man natutuwa sa nakikita ko sa stats ko. 😀
    kung anu anu lang din. Hahah. Minsan tuloy gusto ko gawan ng specific post. Hahah.

    Padaan sir CM. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *