Handa ba ang Palau Mobile Communication (PMC) na mag-3G?

PMC Call Card

Nuong nakaraang March sa kasalukuyang taon bumili ako ng bagong celphone kasi ang Palau Mobile Communication (PMC) ay mag-a-upgrade na raw from 2G to 3G, sa makatuwid hindi ko na magagamit ang Nokia 5110 ko.

Astig lang, Sumusunod sa makabagong teknolohiya.

Ang mangyayari, bibigyan nila ng ilang buwan ang lahat ng nasa Palau na gumagamit ng PMC Sim Card 2G para mag-upgrade ng kanilang sim card dahil darating ang araw na di na pwedeng gamitin ang lumang sim card. Dapat naka-3G Sim Card ka kung sa PMC ka nakasubscribe. Syempre di rin pwede ang basta-basta celphone, dapat android, dapat smartphone, dapat compatible sa 3G Sim Card.

Sa tutuo lang satisfied ako sa serbisyo ng PMC 2G Sim Card. Pwede kong itext ang mga kakilala ko na nasa Pilipinas, pwede ko rin silang tawagan. Kumpara sa isang telecommunication company na kalaban ng PMC, sobrang linaw nito kapag tumatawag ka ng long distance. Kaso, kailangan mag-upgrade. Sabi nga nila para sa mas magandang serbisyo at makabagong teknolohiya.

Ang tanong, Handa na nga ba ang Palau Mobile Communicaation o PMC sa ganitong klaseng pag-angat?

Sa bagong sim card na inalabas ng PMC, pwede ka na makapag internet sa mismong celphone mo kahit walang free wifi, basta may load ang sim mo, pwede ka mag-internet.  Yun nga lang, wala na ang text messaging, di ka na pwedeng magtext, call lang at internet ang pwede. Tama rin naman sila, pwede ka na mag-internet sa celphone mo dahil naka-3G ka na, anytime pwede ka gumamit ng iba’t-ibang application para makatext, hindi na kailangan ang text messaging feature ng bawat sim card.

Pero, kailangan ba talagang kumonek ka muna sa internet bago ka makatext? Kung sakali man, paano matatanggap ng katext mo ang text message mo kung di naman  sya nakainternet o naka-online? Buti sana kung ang mismong sim card nila ay makakatanggap ng text messages na galing sa internet, eh hindi naman!

Ang resulta, FAILED sa pinakaimportanteng features ng isang mobile phone ang PMC 3G, ang SMS o Text Messaging.

Next!, Simula nuong nag-upgrade ako from 2G to 3G, nakailang load lang ata ako, dahil nga nasa harap naman ako ng computer maghapon-magdamag, at may mga application na pwede mong gamitin para makausap ko ang pamilya ko sa pinas, gaya ng Chikka, Yahoo Messenger, Skype, Viber, etc, hindi ko na masyadong kailangan gumamit ng celphone kaya ilang buwan din akong hindi nakapagload.

Kahapon kailangan kong magload dahil may kailangan akong tawagan sa Baguio City. Bumili ako ng call card worth $10 at sinubukang iload sa celphone ko. Anak ng! Invalid code daw! Nakailang ulit na ako input ng 10 Digit Code, invalid code pa rin hanggang sa dinala ko na sa mismong PMC Office para itanong kung bakit hindi ko maiload ang bagong call card na binili ko.

Alam nyo ba sabi? Expired na raw ang sim card ko!, Expected na yun, kasi nga ilang buwan ko rin hindi na-load-an. Cool pa rin syempre, ang aga pa para ma-highblood. Sabay sabi ko sa taga PMC;

“ipapa-reactivate ko na lang pala para magamit ko pa”

“Ay, sorry Sir,  wala pa po kaming reactivation service” sagot nya.

“Hmm, anong pwede kong gawin jan sa sim card?

“Sir, kailangan nyo pong bumili ng bagong sim card”

“Ganun? (cool pa rin, ganun naman ako eh, di marunong magalit ), eh paano ung call card?”

“Sir, ibenta nyo na lang po, di po namin marerefund yan eh”

“Okies, thanks, bye!”

Itatanong mo malamang, bakit di na lang ako bumili ng bago?. Alam mo ba ung naiimagine ko nung nakaharap ako sa tagaPMC, yung sa teleserye o pelikula na nagwawala at pinagsisigawan ang ang mga staff ng isang establisyemento dahil sa walang kakwenta-kwentang serbisyo nila. Pero hindi ko ginawa, cool nga lang eh. Kung sasabihin ko kasing bibili na lang ako ng bagong sim card, para ko na ring sinabing ang tanga-tanga ko dahil bibili ako ng bagong sim card sa halagang $25 dahil lang wala pang reactivation service ang mismong telecommunication company.

Ang resulta, FAILED pa rin syempre! Ilang buwan na ang nakakalipas nung nag-upgrade sila. Expected na rin dapat ang mga ganitong klaseng isyu dahil sa lumang sim card nila pwede namang magpareactivate, at gaya ng ibang telecommunication company, meron dapat nyan.

Hayz, kakainis lang kasi. Wala naman akong ibang pwedeng pagpilian. Yung isang telephone company na kalaban nila pag tumawag ka ng long distance eh paputol-putol at ang bilis pang maubos ang load.

Ang resulta, bibili at bibili pa rin talaga ako ng PMC Sim Card 3G kahit pa ang sagot sa tanong na “Handa ba ang Palau Mobile Communication (PMC) na mag-3G?” ay isang malakeng OO, kasi kailangan ko pa rin gumamit ng celphone para makatawag sa iba.

Anong Mayroon sa “THE GREAT GIRAFFE CHALLENGE” at nagpapalit sila ng Facebook Profile Photo?

THE GREAT GIRAFFE CHALLENGE

Kung nag-facebook ka ngayong araw, malamang nakita mo na yung ilang friends mo na nagpapalit ng Profile Photo. At alam mo rin na picture ng Giraffe ang ipinapalit nila. Di ka ba nagtataka kung bakit?, gusto mo explain ko? LAB U! Ayun! May lumabas … [Continue reading]