Mabagal nga ba o Napulitika lang?

Sa tutuo lang, iniisip ko na lang na sadyang mabagal lamang ang aksyon ng mga lider natin kaya nitong nagdaang bagyo sa Tacloban at iba pang katabing probinsya nito ay dumanas ng ilang araw na kahirapan bago pa maambunan ng sinasabi nilang relief goods. Pero parang gusto kong maniwala na napupulitika lamang ang mga nasalanta ng bagyo.

Kaso kahit saan banda ko isipin, parang parehas negatibo. Ang nega lang!

Ganunpaman, andun pa rin ang katanungang, Mabagal nga ba o napulitika lang? Kayo nga ang sumagot sa tanong ko base sa mga sumusunod na mga kaganapan nitong mga huling araw.

aquino yolanda

Una, Bago pa ang bagyong Yolanda, nagsabi na si Pangulong Noynoy Aquino na nakahanda na ang mga sangay ng Gobyerno upang tumulong sa mga masasalanta ng bagyo at may nakahanda nang relief goods para dito. Pero natapos ang bagyo, ilang araw bago nakatikim ng relief goods ang mga nasalanta ng bagyo? Tatlong araw?, apat?, lima?

Anderson Korina

Pangalawa, Mismong Si Andersoon Cooper na taga CNN at Kabayang Noli de Castro na ang nagrereport kung ano ang tutuong kalagayan ng mga probinsyang nasalanta ng bagyo, bakit parang ayaw pa rin nilang maniwala at sinabi pa ni Korina Sanchez na hindi alam ni Cooper ang sinasabi nya?, Nasaan nga ba si Korina? At nasaan si Cooper? Sino ang nagsasabi ng tutuo? Bakit nga kaya kailangan pa nilang magkumento gayung wala naman sila sa lugar na nasalanta at hindi sila ang nakakaranas ng paghihirap? Di kaya tinamaan ng salita ni Cooper ang asawa ni Korina na si Mar Roxas?

yolanda survivor

Pangatlo, Milyon-milyon ang pinapalabas sa TV na dinodonate ng ibang bansa, trak-trak na relief goods ang makikita mong nirerepack pero kasabay nito ang report na may mga namamatay na sa gutom sa mga probinsyang nasalanta ng bagyo dahil ilang araw nang hindi nakakakain at walang natatanggap na relief goods. Nasaan ang mga donasyon at relief goods na pinapakita sa TV?

Diskwento-Caravan

Pang-apat, Ang ganda ng programa ng DTI na ‘Diskwento Caravan’, kasi imbes na mabibili mo sa regular na presyo ang mga produkto ng mga pribadong negosyante, mabibili mo ito sa mas mababang halaga. Hindi rin nila pinapayagang magtaas ng presyo ang mga pribadong negosyante lalo ung produktong pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo. Pero, kailangan ba talaga ng ganitong programa? Nasaan ang pinapalabas nila sa TV na milyong-milyong donasyon, at libo-libong trak ng relief goods? Alam na nga nilang taghirap ang mga nasalanta ng bagyo, anong pang pambibili nila?

BIR-Henares-Manny-Pacquiao

Panglima, Nangako si Manny Pacquiao na ang laban nya kay Rios ay para sa mga nasalanta ng bagyo, at ang parte ng perang makukuha nya dito ay itutulong nya sa mga nasalanta ng bagyo. Pero hindi pa yata nakakarating ng Pinas si Pacman, pina-freeze na ng BIR ang mga bank account nya, ibig sabihin, hindi sya pwede magdeposito o magwithdraw ng pera. Ano ngayon ang ibibigay nya sa mga nasalanta ng bagyo? Ano ang ipantutulong nya?

Mabagal nga lang ba kumilos ang ating Gobyerno o napupulitika lamang ang mga kaawa-awa nating kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda?

Ikaw nga sumagot, Kabayan.

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *