Ka Freddie : In Love, Age Doesn’t Matter

freddie aguilarAng tindi lang ni Ka Freddie, nakabingwit ng 16 years old! Sino ngayon ang matanda? Sino?!!!

Kung ako tatanungin kung ano masasabi ko sa isyung ganito, well, mixed emotion. Wala akong maisip na ibang term, kaya mixed emotion na lang. Ayun!, para sa akin siguro wala namang problema, nagmamahalan naman sila, at alam ng magulang ng babae ang relasyon nila. Kaso kung iisipin mo ung agwat ng edad nila, parang ang lakeng problema, malakeng isyu, lalo sa tingin ng mga…hmmm…

Imagine mo nga naman, 60 year old na raw si Freddie Aguilar, at itong babaeng karelasyon nya eh 16 year old lang. Hindi lang anak diba, apo pa! Pero nagmamahalan eh, may magagawa ka ba?

Kung may magagawa ka, bakit mo naman pakekealamanan ung dalawang nagmamahalan? Hmm, di maganda sa paningin ng nakakarami, kasi hindi naman ito ang nakasanayan natin, at wala pa sa tamang edad ang babae.

So, ano nga ba ang pwedeng ikaso kay Ka Freddie?, Sabi ni University of the Philippines College of Law Dean Danilo Concepcion, pwede raw ang Seduction. Kung ang karelasyong sekswal mo raw ay edad mula 12 hanggang 18, at ito’y virgin, seduction ang maaaring ikaso sayo, kaso hindi raw ito public offense. Private party lang ang may karapatang magdemanda kay Ka Freddie, ang problema, pinayagan naman si babae ng magulang nya, sino ang magrereklamo?!

Case is closed!!!

Sandali, pwede pa raw kasuhan yan ng Child Abuse. Ang child abuse naman daw ay public offense, so pwede syang kasuhan ng isang government agencies gaya ng DSWD. Hindi issue kung nagmamahalan sila, kung pumayag ang magulang ng isang menor de edad, ang issue pinatulan ng nasa tamang edad ang isang menor de edad.

Hala ka, Ka Freddie…Sikat ka pa man din, marami makikisawsaw sa isyu na yan.

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *