Anong Mayroon sa “THE GREAT GIRAFFE CHALLENGE” at nagpapalit sila ng Facebook Profile Photo?

Kung nag-facebook ka ngayong araw, malamang nakita mo na yung ilang friends mo na nagpapalit ng Profile Photo. At alam mo rin na picture ng Giraffe ang ipinapalit nila. Di ka ba nagtataka kung bakit?, gusto mo explain ko? LAB U!

Ayun! May lumabas kasing riddle na ipopost ng isang facebook user then kung sino ang gustong sumagot sa riddle na yun, magmemessage lang personally duon mismo sa nagpost ng riddle. Kapag di mo nasagot ang riddle, kailangan mong palitan ang profile photo mo ng picture ng giraffe at pananatilihin ito sa loob ng tatlong(3) araw. Kung tama naman sagot mo, wala lang! Tama lang sagot mo.

The deal is I give you a riddle. You get it right you get to keep your profile pic. You get it wrong and you change your profile pic to a Giraffe for the next 3 days. Be honest! MESSAGE ME ONLY SO YOU DON’T GIVE OUT THE ANSWER.

Here is the riddle: 3:00 am, the doorbell rings and you wake up. Unexpected visitors, it’s your parents and they are there for breakfast. You have strawberry jam, honey, wine, bread and cheese. What is the first thing you open?

Remember… message me only. If you get it right I’ll post your name here. If you get it wrong change your profile pic.

THE GREAT GIRAFFE CHALLENGE

Ikaw masasagot mo ba? Message mo ako!

Ano nga bang mayroon sa trip ng mga facebook users na yan? Bakit ang daming pumapatol, dami na ring nagkamali ng sagot kasi makikita mo na ang dami na giraffe ang profile photo? Anong meron sa challenge na ito?

Para sa iba, katuwaan lang ito. Susubukan nila ang sarili nila kung masasagot ba nila ng tama ang riddle. Yung iba tinatanggap ang pagkakamali, pero may ilan sa kanila na hindi sumusunod sa napag-usapan. Alam nang nagkamali sya, hindi pa nagpalit ng profile picture. Alam mo ba ang dating nito sa iba? O ang ibig sabihin ng inasal mo sa simpleng challenge na ito? Nagtataka ka no? Meron palang nangyayari sa likod ng challenge na ito.

Oo meron, kung iisipin mo, simpleng laro lang sya, simpleng katuwaan. Pero sa simpleng katuwaan na yan, kitang-kita ang personalidad ng bawat sumasali sa larong ito. Ganito kasi, nagpost ang friend mo ng Giraffe Challenge, hindi ka pinilit na sumali pero eto ka at gustong malaman kung hanggang saan ang kayang abutin ng utak mo. Nagmessage ka sa ngayon sa friend mo. Eh mali ang sagot mo! Kung marunong kang tumanggap ng iyong pagkakamali, malamang magpalit ka ng profile photo kahit alam mong makikita ng mga friends mo na giraffe ang profile photo mo, ibig lang sabihin, mali ang sagot mo sa Giraffe Challenge. Oo, in-announce mo sa masa na nagkamali ka.

Pero kung ikaw yung taong mataas ang pride, ang ego, mayabang, at akala mo ikaw na ang pinakamatalino sa lahat. Wala kang gagawin. Di ka magpapalit ng profile photo. Katwiran mo, “pakealam ko jan!, profile ko to, ako magdedesisyon kung papalitan ko ang profile photo ko!“, di mo ba naisip, hindi ka pinilit na sagutin ang riddle, ni hindi ka nga ni-tag ng friend mo para sagutin ang challenge, pero eto ka dahil magaling ka, sumagot ka. Eh mali! At dahil ayaw mong malaman ng mga friends mong nagkamali ka, at hindi mo nasagot ang riddle, deadma sa pagpapalit ng profile picture.

Ibig lang sabihin, di ka marunong tumanggap ng pagkakamali. Oo, simpleng katuwaan lang. Yun na nga, simple lang yan, paano kung tutuong buhay na?

Kung narito ka para alamin ang sagot sa riddle, nasa tamang lugar ka kasi may sagot ako jan. PINTO. Pinto ang una mong bubuksan. Posibleng mali ako pero sorry, di ako sumagot sa facebook kaya di ko kailangan magpalit ng profile picture. Pero inaamin kong posibleng mali ako.

Kung gusto mo malaman ang ibang kasagutan, CLICK HERE!

ADVERTISEMENTS

Comments

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *