10 Ways to Say “I Love You”, Pinoy Style!

Likas na sa ating mga Pinoy ang mag-imbento ng iba’t ibang gimik para lang masabi natin sa ating mga mahal ang nararamdaman natin. Pero hindi ung ang mababasa nyo dito, di naman kasi ako ganun, baka mahirapan pa ako mag-isip kung anong klaseng gimik ang gagawin para masabi mo na mahal mo sya.

Mababasa nyo lang naman dito yung mga bagay na nakasanayan na ng Pinoy na ginagawa para masabi sa kanilang mahal ang kanilang nararamdaman. Pero sampu lang ha, ikaw na bahalang magdagdag kung may maisip ka pa. Ilagay mo na lang sa comment box.

harana.nemiranda.jr
Harana by N. Miranda Jr.

1. Harana – Meron pang gumagawa nito hanggang ngayon. Si Juan Dela Cruz nga diba nangharana, maski si Sir Chief kay Maya. Lumang style na to pero epektib pa rin kahit nasa modernong panahon na tayo. Ikaw ba naman na babae bigla kang makakarinig ng kumakanta sa labas ng inyong bahay, di ka ba kikiligin?

iloveyou2. Hand Sign – naalala ko nung elementary hinihintay ko na dumaan ang crush ko sa harap ng classroom namin, inihahanda ko pa ang kamay ko para mabilis. At nang dumaan na nga sabay taas ng kamay at ang pinakamalupit na hand sign, tingnan mo n lang ung image sa kanan, ganyan!

Success sana dahil nakatingin sya, kaso kasunod ung kuya! Boom! FAILED!

3. Love Letter – sabi nung makakabasa nito na nagbibinata pa lang, “Ha? Ano ung love letter?!“, eh kasi nga naman di na nila inabutan yan. Love letter kung saan isusulat mo ang lahat ng nararamdaman mo sa isang tao, lalabas pa nga ang pagiging makata mo, tapos itutupi mo ito ng I Love You Fold at ilalagay sa sobre tapos hahalikan. Ayos! Sealed with a Kiss!

4. Text Message – Usong-uso to, kasi halos lahat naman na may celphone, simpleng “I <3 U” lang ayos na ang buto-buto!

5. E-Mail/Facebook/Chat/Skype – Hmm, pag ganito parang hindi masyadong sweet. Ewan ko lang ah, pero kung naka-webcam kayo at gagawan mo ng kakaibang gimik, pwede!

6. Kwintas na may pendant na Puso – pang may pera na to, kung wala kang budget, skip read na! Pero kung kaya mo naman bumili ng kwintas para sa iyong minamahal, bakit hindi. Isang simpleng kwintas na may pendant na puso, di mo na kailangan magsalita, alam na! Tapos ikaw pa magkakabit sa leeg nya, naks! next level! astig!

8. Singsing – Eto talaga ang next level! Kasalan na ang kasunod nito kapag pumayag si girl na isuot ang bigay mong singsing. Tapos magkakatitigan kayo, hahawakan mo sa pisngi, hahaplusin patungo sa kanyang baba saka mo dahan-dahang ilalapit ang iyong mukha sa kanyang mukha habang binibigkas ang salitang “mahal na mahal kita“. Tapos sasagot sya ng “mahal na mahal din kita“, tapos biglang dumating ang tatay nya, sabay bitaw at layo sa girl. Ok lang yun, nasabi mo naman nararamdaman mo eh.

9. Broadcast mo sa publiko – May nakakagawa pa ba nito? Dadalhin mo sya sa isang lugar na maraming tao, tapos aakyat ka sa parang entablado tapos papalapitin mo o kukuhanin ang atensyon ng lahat ng tao at ipagsisigawan mong mahal na mahal mo ang babaeng nasa baba, sabay turo sa minamahal mo, kaso nawawala sya! Hahaha, iniwan mo kasi sa baba, bumili muna ng fishball lolzz

10. Hmmm, hirap mag-isip ah! Ahhh, gawin mo na lang ung mula number 1 hanggang 9, tapos repeat uli from 1 to 9, paulit-ulit lang, ewan ko lang kung di pa maniwala yan na mahal mo sya.

Oh yan na! Kung sa tingin mo di pa sapat yan at hindi mo napaniwala ung girl na mahal mo sya, malamang hindi ka nya mahal. Pero wag kang susuko agad, repeat step 1 to 9 lang uli. Goodluck!

Image Source : Harana by N. Miranda Jr.

PS : Napansin mo walang number 7? Di sinasadya yun, nalagpasan ko lang talaga siguro, napansin ko na lang nung huling pasada bago ipublish to, at nagkataong wala na akong maisip. Kaya pasensya na po…

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *