Deadma…Parang Walang Nakita…

NGANGADeadma…Parang walang nakita…Alam mo un? Kainis diba?

Di ko alam kung may ginawa ba akong mali at ilang beses ko na ring naranasang mabalewala ng ibang tao lalo sa Facebook. Yun bang nagsend ka ng private message tapos makikita mo ang notification ni FB na nabasa na ng pinadalhan mo ng message yung message mo pero ilang oras na ang lumilipas, minsan araw pa, pero wala kang makuhang sagot.

Gaya na lang sa mga ka-FB ko sa blogging.

Maraming dahilan kung bakit nabuo ang Ask Pinoy Bloggers Group sa Facebook. Isa na rito ang personal kong dahilan na imbes na sumagot na paulit-ulit sa Private Message ng mga blogging related question ng ibang bloggers, mas mabuti pang gumawa ng isang FB Group kaya eto na nga, may AskPB Group.

Pero alam ko naman na di pa rin maiwasan na may magtanong in private, wala akong problema dun, sasagot ako kapag alam ko, sasabihin ko kung di ko alam, basta nabasa ko message nyo, asahan nyo un. At mapapatunayan yan ng ilang AskPB Members.

Kaso nakakainis lang kasi, minsan ka lang magtanong sa ilan sa kanila, simpleng tanong lang na di naman kailangan pag-isipan at nagkataon lang na sila ang makakasagot, tapos makikita mo notification ni FB na nakita na ng recipient ung message mo, pero hanggang dun lang, walang reply, nakita lang nya!…Alam mo un? Tapos kung babalikan mo ang mga previous messages makikita mo ang mga tanong nya na buong puso kong sinasagot kahit nariyan naman ang AskPB Group na pwedeng sumagot sa lahat ng tanong nila, tapos ako minsan lang magtanong, nabalewala pa!

May ilang experience pa ako na ganyan na ganyan, hindi lang lahat tungkol sa blogging. Di ko alam kung may ginawa ba akong mali sa kanila at di man lang makapag-reply sa message ko tapos kapag sila ang may kailangan at hindi mo pinansin, ikaw pa ngayon masama! Alam ba nila ginagawa nila?

Darating ang araw na, WHOYOU?! kayo sa akin!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    hu u ba yan cm 🙂 wala nman ako tanong lately 🙂 sensia kna if sa pm ko dinadaan queries ko pag minsan, wala lang ba, nagpapakafeeling invisible lang sa fb kapag ganon -pero maraming salamat sa pagsagot sa mga tanong ko.
    pramiz kapag ikaw naman may pm sa inbox ko, sasagutin ko yan, wag lang mala-askPB ang mga tanong ha ^_^

  2. Josh says

    hello.. lagi ako nakakareceived ng update regarding sa mga blogs from the Dungeon.. hehehe salamat mga blogs nyo even nasa abroad ako may nalalaman din pala kahit konti sa mga pangyayari sa pinas… (not in this particular),,,sa mga loggers I salute you guys. .. wag nyo nlang pansinin yung mga cheaters na sila yung gustong magtanong kapag ikaw na dehins kana pakialaman,,,, usong uso yan nung high school at college ako,, hehe God Bless sa mga bloggers.. dyan.. 🙂

  3. says

    I also experienced being ignored but I moved on. We can’t really force anyone to reply. Pero, hindi naman mahirap magreply kahit kunti lang diba.

Leave a Reply to riz tomacruz Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *