Bakit si Mark Joseph Solis lang ang may Kasalanan?

Nitong mga nakaraang araw, bali-balita sa telebisyon at sa buong social networks ang pagnanakaw na ginawa ni Univeristy of the Philippines graduate Mark Joseph Solis ng photo na pagmamay-ari ng iba na syang ikinapanalo nya sa isang Photo Contest.

Ayon sa balita, hindi lamang isang beses na nagawa ito ni Mark, kundi limang beses pa, Kaya’t usap-usapan sya ngayon sa bawat kanto at sulok ng social networks.

Ngunit, sya nga lang ba ang may kasalanan? Si Mark Joseph nga lang ba ang may pagkukulang? Si Mark nga lang ba ang dapat sumalo sa lahat ng panghuhusga ng ilan nating mga Kababayan?

Photo Contest o Competition ang sinalihan ni Mark kung saan nya ipinasa ang larawang hindi nya pag-aari. Sa isang contest, may organizer, may judges, may rules at criteria. Hindi dapat makapasok o manalo ang isang entry kung may nilabag itong rules o hindi nakapasa sa criteria na ginawa ng kung sino man ang may responsibilidad sa isang contest. Hindi dapat umabot sa ganitong sitwasyon si Mark Joseph Solis kung ginawa lamang ng iba ang dapat na ginagawa nila.

Walang bang “Originality” sa rules o criteria ng contest na sinalihan ni Mark? Kung wala, close mo na tong pahinang to wag mo nang ituloy ang pagbabasa.

photo contest rules

May mga paraan para malaman mo kung orihinal nga ba ang isang larawan o hindi. Napakatagal nang panahon na nariyan si Pareng Google para tulungan tayo sa mga ganitong bagay. Isa hanggang limang click lang malalaman mo na kung may kapareha nga ba ang isang photo. Hindi ba ito kayang gawin ng mga organizer o judge ng isang photo contest? Kung wala sa rules nila ang “Originality”, malamang sa alamang, hindi nga nila gawin ang pag evaluate ng isang photo kung ito’y orihinal na gawa ng contestant o nakaw lamang.

Kahit hindi ako ang organizer o judge sa Photo Contest na sinalihan ni Mark, sinubukan kong tingnan kung original nga bang gawa ni Mark ang larawang ikinapanalo nya sa contest at ito ang kinalabasan.

mark solis google image matching

Kung isa ka sa judges ng Photo Contest, ano ang masasabi mo sa screenshot na nasa taas?

Pero, natanong mo na ba sa sarili mo, bakit nakalagpas ang entry ni Mark Joseph? at ang masama, bakit nanalo?

Dapat panagutan ni Mark kung sakali mang mapatunayan na may ginawa nga syang kasalanan. Pero sana hindi matapos duon. Kasi kung palalagpasin ang pagkukulang ng iba, malamang, ilang Mark Joseph Solis pa ang magnanakaw ng Photo na pagmamay-ari ng iba upang isali sa isang Photo Contest kahit pa labag ito sa rules ng contest.

Kung ibabato natin lahat ng panghuhusga sa isyung ito kay Mark Joseph, kawawang Mark, parang si Napoles lang!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Siguro dahil sa theme ng photo contest na ito, isinaisip na lang ng mga organizers na mapagkakatiwalaan naman siguro ang mga sasali. Yung Chilean ambassador, he said he was so impressed by Filipinos, kaya nga nya naisip magpa-contest ng tulad nito. Siguro it was wrong for them to assume na wala naman sigurong mandadaya. Which is true in general. Never assume the best in people na lang.

  2. says

    It was a shocking thing, what he did, given that he is a graduate student of public administration. Tapos hindi lang pala ito ang unang beses na ginawa niya ang ganung modus. Mas pinalala pa ng fact na ito ang liability niya.

    Sadyang maraming tao lang talaga ang walang respeto sa property ng iba. I had my fair share of people using my photos. Apat na beses na rin akong nag-email sa apat na tao who used my photos without permission. Nagkakataon lang talaga na nakikita ko sa google search, sa images.

    By the way, ano palang keyword ang ginamit mo dyan sa paghahanap ng photo na yan sa google images? In fairness din naman sa organizer at sa judges, who would have thought that such a contest of great coverage will be disrespected in such a way? Saka yung mga judges at organizer, pagkakita nung photo na yun, hindi naman talaga mag-iisp ng keyword agad para maghanap ng photo na yun sa internet, to know if it’s stolen or not.

    • LordCM says

      Ms. N, di kailangan ng keyword, upload mo lang ang pix instead na itype ang keyword then si google na bahalang maghanap ng ka-match nya if ever meron…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *