Ano ang Ideal Age para Mag-asawa?

ideal_Age_marriageMinsan sa facebook may nagtanong, ano raw ba ang Ideal Age para mag-asawa ang isang  lalake o babae? Sa tutuo lang matagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung dapat ba talagang may ideal age para sabihin na pwede na tayong mag-asawa o magpakasal?, lage kong naisasagot sa sarili, siguro kung nasa tamang edad o hindi ka na menor de edad, pwede na magpakasal. Pero ung Ideal Age kung kailan dapat mag-asawa? Hmmm, eto sinagot ko sa tanong sa Facebook;

Siguro sa tingin ko walang perfect na edad kung kailan dapat mag-asawa…nagiging perfect ang lahat depende sa kung ano ang nangyayari kapag mag-asawa n kayo.Di rin siguro sa pagiging handa nagiging ok ang pag-aasawa, kahit pa hindi tayo handa, ang mahalaga ung makakaya mong gawin kapag andun ka na sa sitwasyon na mag-asawa n kayo.

Bkit ko nasabi? Ako mismo, 3rd year college nakabuntis at nagpakasal, pero di naging sagabal un para di matapos ang pag-aaral namin, bagkus naging maayos ang buhay namin dahil na rin sa pagsusumikap at sa tulong ng mga malalapit na kamag-anak. May matatalino, maganda at gwapong anak na puno ng talent sa katawan. May mga kaunting problema pero parte naman ng pag-aasawa un.

Meron naman akong kakilala, lalake, nasa abroad na sya, syempre malake sweldo, single, nakakaipon, nag-asawa nung 40+ yrs old na sya, kaso di kinaya ang gastusin nung nagka-anak, kaya pinapunta rin sa abroad si misis kasama ung anak, ayun, dalawa na sila namomroblema sa kung paano nila maaayos ang buhay nila dahil sa kakapusan sa pera.

Mayroon naman, 28 years old silang parehas nang nagpakasal, parehas may magandang trabaho pero dahil sa parehas priority ang trabaho at kikitain sa araw-araw, hindi na nabigyang panahon ang isa’t-isa hanggang sa magkahiwalay.

Ang sa akin lang, walang ideal age sa pag-aasawa…Ang tanong siguro, kaya mo bang panindigan ang buhay may asawa’t pamilya? Ano ba ang kaya mong gawin kung dumating sa puntong naroon ka na sa sitwasyon na un? 19 years old o 40 years old man, ano ang magagawa mo kung nariyan ka na sa relasyong pinasok mo?

Kayo, sa palagay nyo kailangan ba talagang may ideal age para mag-asawa?

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *