Alternatibong Paraan ng Pagpapadala ng Pera mula sa Bansang Palau

Likas na sa mga OFW na ipadala ang parte ng kanilang sweldo sa mga mahal nila sa buhay na naiwan sa Pilipinas upang kahit papaano’y makatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa bawat parte ng mundo kung saan naroon ang bawat Filipino, ang Palau ay mayroon din mga establisyementong tumutulong sa bawat OFW upang maipadala at masigurong ligtas ang perang ipinapadala sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang Western Union kung saan, minuto lang ang iyong bibilangin ay matatanggap na ng mga mahal mo sa buhay ang perang iyong padala. Kailangan mo lang magbayad ng hindi hihigit sa $10 sa bawat $500 na perang iyong ipapadala sa Pilipinas.

Isa pa sa pinagkakatiwalaang padalahan ng pera ng mga Filipino dito sa Palau ay ang Pinoy Express kung saan maaari kang magpadala ng pera sa Pilipinas diretso sa bank account ng kamag-anak mo na nasa Pilipinas.

Ngunit nitong nakaraang buwan nagkaruon ng balitang magpapatong ng 4% ang Palau Government sa bawat remittance o perang lalabas ng Palau(Click mo to para mabasa ang nasabing isyu). Kung ikaw ay magpapadala ng $500 sa Pilipinas, kailangan mong magbayad ng $20 o 4% ng iyong kabuuang padala. Bukod pa dito ang service charge na sinisingil ng bawat remittance center.

Ang 4% ng kabuuan ng iyong padala na dagdag bayarin ng mga nagpapadala ng pera mula dito sa Palau ay napakalakeng bagay na para sa mga OFW tulad ko. Maaari mo na itong gamiting pangkain sa loob ng ilang araw, ipunin para sa iyong pag-uwi, o idagdag sa ipapadala sa iyong mga mahal sa buhay. Ngunit, mapupunta pa ito sa Gobyerno ng Palau, bukod pa sa ibinabayad na tax ng bawat OFW sa tuwing sila’y sasahod sa kanilang kumpanya.

Bilang isa sa mga OFW maaapektuhan ng dagdag bayarin, naghanap ako ng alternatibong paraan kung paano makakapagpadala ng pera sa Pilipinas sa mas mababang halaga at di na kailangan magbayad ng 4% na Remittance Tax. Ito ang Xoom.Com. Maari rin itong gamitin ng mga OFW kahit nasa ibang bansa kung nais magpadala ng pera sa Pilipinas.

Sa Xoom.com, kailangan lang mayroon kang US Bank Account, Debit o Credit Cards upang makapagpadala ng Pera sa Pilipinas. Maaari kang magbukas ng account sa Bank of Hawaii. At magrehistro sa Xoom.com.

Paalala : Sa bawat transaksyon online, may service charge na kailangan mong bayaran sa banko, depende sa banko. Mabuting itanong ito sa iyong banko bago gamitin ang iyong Bank Account, Debit/Credit Card sa pakikipagtransaksyon online.

Kung balak mong magpadala ng pera sa Pilipinas gamit ang Xoom, sa $500 na iyong ipapadala, may service charge na $4.99 kung ito ay galing sa iyong Bank Account at kung naisin mong matanggap ito sa PESO. At $7.99 naman para matanggap ito in DOLLAR. Mas mataas ang service charge kung ang pera ay manggagaling sa iyong debit/credit card.

Xoom_Calculator

Maaring matanggap ng kamag-anak mo sa Pilipinas ang pera, depende sa kung ano ang pinili mo sa Xoom.Com, maaari nilang kuhanin ang iyong perang padala sa BDO, Cebuana Lhuillier, Metrobank, M Lhuillier, GCash Remit o sa SM Malls.

Xoom_Recipient

Sa ganitong paraan, mas magiging kumportable ang mga OFW sa pagpapadala ng pera sa kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas, dahil di na nila kailangan lumabas at pumunta sa remittance center sa bansa kung saan naroroon sila. May computer at internet ka lang, ayos na!

Ano pang hinihintay mo? Register na sa Xoom.Com at iLIKE o iSHARE ang artikulong ito para malaman din ng iyong mga kaibigan na nasa Palau.

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *