ABOLISH THE PORK BARREL..At Pagkatapos?

Nitong mga nakaraang araw hanggang sa kasalukuyan madalas na naririnig o nababasa natin ang isyu tungkol sa diumano’y nagnakaw ng kaban ng Bayan na si Napoles at ilang mga pulitikong sangkot dito. Ganun din ang sigaw ng karamihan na ABOLISH THE PORK BARREL, SCRAP THE PORK BARREL. Pero naitanong na ba natin sa sarili natin kung sakaling pakinggan tayo ng Gobyerno at tuluyan nang alisin ang tinatawag nilang Pork Barrel kung ano na ang mangyayari sa atin?

Kung sakaling tanggalin nga ang Pork Barrel, Ano na ang mangyayari?…Nga-nga?!

Ano nga ba kasi ang Pork Barrel? Ayon sa wikipedia;

In the Philippines, the term “pork barrel” are funds allocated to the members of the Philippine House of Representatives and the Philippine Senate to spend as they see fit without going through the normal budgetary process or through the Executive Branch. It can be used for both “hard” projects, such as buildings and roads, and “soft” projects, such as scholarships and medical expenses. Beginning in 2006, the amount was Php70.0M for each Representative and Php200M for each Senator. This pork barrel system was stopped by President Ferdinand Marcos during his dictatorship but was reintroduced by President Corazon Aquino in 1986. The program has had different names over the years, including the Countryside Development Fund, Congressional Initiative Fund, and currently the Priority Development Assistance Fund

Samakatuwid, ang Pork Barrel ay isa sa mga dahilan kung bakit mayroong tayong establisyemento, maaayos na daan, tulay, mga batang nakakapag-aral ng libre, mga may sakit na nabibigyan ng gamot, mga organisasyon o foundation na tumutulong sa mas nangangailangan at marami pang iba. Kung mawawala ang Pork Barrel, ano ang mangyayari sa mga ito?

pork_barrel_nganga

May naisip na ba kayo? Hindi naman sa sumasang-ayon ako sa nangyayaring pagnanakaw ng ilan sa ating mga ibinotong lider at di rin naman ako kumokontra sa gusto ng karamihan na ibasura ang Pork Barrel, pero hindi ba’t marami pa rin naman sa kanila ang gumagawa ng tama. Ginagamit ang kanilang pondo sa tamang paraan. Marami pa rin sa kanila ang mas nakakatulong kung may suportang pinansyal na nanggagaling sa Gobyerno. Hindi naman kagaya ng mga tiwaling pulitiko eh. Mayroon pa ring may mabubuting kalooban.

Hindi ba pwedeng parusahan na lang ang mga magnanakaw, tanggalin sa pwesto kung sino man ang mga sangkot dito at ayusin ang Pork Barrel System?

Walang masama sa pagrereklamo, pagpoprotesta, sa tutuo lang ito kung minsan ang nagpapalaya sa atin sa mga tiwaling pulitiko ng bansa. Pero kung minsan, kailangan din nating pag-isipan na ang mga bagay-bagay ay may dahilan, may mabuting dahilan. Kumbaga, kailangan lang natin itong ayusin, linisin, ihiwalay ang de-kolor sa puti, itapon ang bulok at alagaan ang matitino.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    ito rin ang gusto kong itanong sa mga “huling nakikisawsaw” (leftist at rightist man sila) sa pork brarrel protest nayan. ginagamit na nman ang isyu na yan upang maging sikat sila. ngunit wala nman maipalag na kongretong plano kapalit ng pdaf.
    sa bandang huli, plagay ko susundin ni pnoy ang suhestyon ng madlang pipol -alisin ang pork barrel -kapalit ng isang mabangong pangalan na ang essence ay pork barrel pa din 🙂
    wala e 🙂

  2. rej says

    palagay ko isa rin sa mga problema natin ang kakulangan ng monitoring and liquidation. after the budget has been distributed for certain project “kuno” wala ng follow-up eh kung may pinatunguhan bang matino ang pera ng bayan. if pork barrel cannot be abolished let FOI bill be passed and implemented. para kasama na ang taong bayan sa maaaring sumuri ng mga proyekto ng ating mga pinuno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *