An Open Letter para sa mga Naghahabol kay Napoles

Dear Tagahanap, Tagahabol at tagabigay ng Warrant of Arrest,

Nakapagtataka lang, alam naman nating lahat, mas lalo kayo, na maraming kuneksyon si Janet Lim Napoles, sige pa rin kayo ng broadcast ng lahat ng ginagawa nyong aksyon.

Una, naglabas kayo ng warrant of arrest. Alam nyo namang high profile at maraming kuneksyon, banggitin ba naman sa media na naglabas na ng warrant of arrest?! Hello! Marami ngang kuneksyon diba? Edi syempre, madali para sa kanya na makakuha ng inpormasyon mula sa inyo! Kahit sabihin pa natin alam na ni Napoles na maglalabas ng warrant of arrest kaya sya tumakas agad, dapat alam na natin yun. Dapat una pa lang binantayan na sya kahit saan magpunta, pero syempre isaalang-alang pa rin ung human rights nya, mamaya madali naman kayo ng Commission on Human Rights.

Ngayon namang nakatakas na, at pinaghahanap nyo na sya, pati kung saan nyo sya hahanapin ibobroadcast nyo pa. Nanunuod naman syempre ng tv at nakikinig ng radyo si Ate Janet, malamang malalaman nya kung saan nyo sya hahanapin, edi syempre wala sya dun! Tungaw lang!

Inilabas nyo ang 30 sasakyan na pag-aari ni JLN pati plate number para kung may makakita ay ireport agad sa inyo, as if naman na gagamitin pa ni Napoles ang mga sasakyan na un kung alam nyang alam natin na sa kanya un!

Tapos pati ung bilang ng bahay ni Napoles inilabas nyo rin, 28 Houses daw, kulang yan ah! Di nyo sinama ung Lower House sa Pasay at Upper House sa Quezon City. Hugas-kamay lang pag may time.

Malamang kapag nakita nyo na si Ate Janet, itetext nyo sya ng;

“nakita ka na namin, mahuhuli ka na namin, please text back”

Asa pa kayong mahuli nyo pa sya!

Ito pang picture nila JLN at Reynald Lim na inilabas nyo para makatulong ang mga ordinaryong tao sa paghahanap sa kanila. Tama ba namang katawa-tawang picture ni Ate Janet ang ilabas? Hello! Seryosong isyu na ito, wala man lang ba ung nakadress sya, ung whole body at passport size?

janet napoles

O sadyang ganun dapat? i-Broadcast ang lahat, para masabi lang na may ginagawa kayo, makatakas si Napoles at makaligtas ang mga matataas na taong nakikinabang sa pera ng bayan?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Ang tanong ko lang tungkol sa isyo ni Napoles, bakit si Sen M. Santiago parang natahimik, eh di ba isa sa mga mabungangang senador ‘yan kapag graft and corruption ang issue hhhhhmmmm

  2. says

    nakatindi nga ng istoryang napoles na ito oo. sa tutoo lng marami ng kabado; si aleng glorya, kakabog kabog na nman ang dibdib, pag nilabas pa ang isyu ng malampaya -hay nako- bka ung wheelchair nia e lagyan na ng pakpak palipad sa kung saan.
    si napoles -dpata ng kumuha ng witness program protection yan -alam din nia delikado sia kapag nag “karaoke” sia haha

  3. Cantutsang says

    To the Tune of Run Samson run,,,, Run Janet Run, Leila de Lima’s on her way,,,, hahahahaahah joke, joke, joke, peace,,,, malabo pa sa pinaglabuan ng patis na mahuli pa nila si Napoles,,,, nandiyan lang siya sa tabi tabi, sa gitna gitna, sa sulok sulok , pakuyakuyakoy at painom inom ng salabat na may halong champagne, napagod kasi sa kasasagot sa mga tanong ng media,,,, hahahaha,,, perlas na bilog, huwag kang tutulog tulog,,,, hahahahaah

  4. aim says

    possibly its not just the cops they were worried about. if the rumors about the pork barrel were true and janet napoles is really involved, there might be a possibility that she will be”silenced” by those big people she is connected with since she knows a lot and she may be a threat if she were to expose what she knows.

Leave a Reply to Francis Morilao Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *