Unable to Process Request

Ilang taon na ako dito sa Palau bago ako nagdesisyon magbukas ng Bank Account sa Bank of Hawaii dahil na rin sa bilis ng usad ng teknolohiya. Halos lahat na ata pwede mo bayaran Online. At para makasabay, kailangan mo magkaruon ng Bank Account, o debit/credit card.

Naging maayos naman ang lahat simula pag-apply ko ng debit card, pagkonekta nito sa Paypal account at pakikipagtransaksyon online. Pati pagcheck ng balanse, pwede na ring gawin online. Yun yung tinatawag nilang Online Banking.

Magdalawang taon na rin sigurong nagagamit ang Bank account ko sa Bank of Hawaii ng walang problema. Hindi lilipas ang isang buong araw na hindi ako nagtseteck ng bank account online, tinitingnan kung magkano na ang balanse, kung pumasok ba ang withdrawal ko from paypal, kung magkano ba ang interest sa inilabas kong pera pambayad sa mga katransaksyon online.

Hanggang sa nitong nakaraang buwan nagkaruon sila ng security upgrade. Magandang pakinggan dahil mas magiging secured ang account mo online, hindi basta-basta magagamit ng iba dahil bago ka makapasok sa account mo online, makakareceive ka muna ng tawag mula sa kanila upang ibigay ang security na gagamitin mo para makapasok sa account mo online.

Kaso, sa sobrang bilis ng usad ng teknolohiya, nakalimutan na ata nila ayusin muna lahat ng problema bago isapubliko ang upgrade.

Dumating ung time na kailangan ko magtsek kung pumasok ba ang winidrow ko galing paypal, epektibo na ang security upgrade nila, kailangan nila akong tawagan sa numerong nakarehistro sa account ko para ibigay ang security code. Excited pumindot ng button! Eto lang pala ang tatambad sa akin

bank of hawaii

Oo, Unable to Process Request daw, malamang busy sila sa dami ng may bank account sa kanila, subok na lang uli mamaya-maya, kaso ganun pa rin. Kinabukasan, sumunod na araw, sumunod na linggo, ganun pa rin! Naks, sobrang busy naman na nila na inabot na ng isang linggo ay hindi pa rin maprocess ang request ko. Tinawagan ko kanina lang ang Bank of Hawaii dito sa Palau para tanungin kung bakit, alam mo ba sabi? Hindi pa raw konektado ang linya ng telepono nila sa Main Branch ng Bank of Hawaii kaya hindi makatawag dito para ibigay ang security code.

Astig no!, June 22 pa effective ang new security, pero gang ngayon, July 1, di pa rin nila naaayos ang lahat. Kailangan mo pa pumunta sa malapit na ATM Machine para lang tingnan ang balanse mo, o kaya naman hintayin na lang ang pagdating ng Bank Statement mo.

Nakakainis lang, di ba nila alam ung perwisyong dulot nito sa mga umaasa sa Online Banking? Sa ibang bansa pwede mo siguro idemanda tong mga to eh kung makakaapekto sa negosyo mo. Pero hindi eh, dito lang ako sa Palau. Kaya walang magagawa kundi maghintay hanggang sa maayos nila.

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *