Ilan sa mga Dapat Isaalang-alang kung Ikaw ay magba-Blog

thinking-writingMaglilimang taon na rin simula nuong naisipan kong mag-blog, milagro lang na tumagal ako sa blogging kahit walang kwenta ang ibang naisusulat ko. Pero sa limang taon na yan, dami ko na rin nadaanan, natutunan, at siguro patuloy na natututo sa bawat blogs na nadadaanan ko.

Hayaan nyong ibahagi ko ito sa inyo. Siguro ung iba naiaapply ko, pero, tao rin lang naman ako, minsan nagkakamali din kaya ung ibang babanggitin ko siguro ay di ko rin nasusunod. Pero basahin mo na rin baka sakaling ikaw magawa mo lahat.

Game! Ooppss! Sandali, Eto ay para sa mga personal bloggers ah, kung travel blogger ka, basahin mo na rin kung trip mo. Game!

~ Kung hilig mong makisawsaw sa issue ng iba, siguraduhin mong kaya mong panindigan kung ano man ang isusulat mo, hindi yung sinulat mo tapos pagdating sa comment box at may kumontra sayo ay magsosorry ka. Tandaan mo, sinulat mo yan, ibig sabihin sinadya mo, kaya panindigan mo na. Pwede rin naman, kung mag-sorry ka, edi baguhin mo ung sinulat mo.

~ Asahan mo na ang iba’t ibang klase ng kumento, masama man o mabuti, sa ipopost mong artikulo. Unang-una, isinapubliko mo na ang iyong pananaw, naka-open ang comment box mo, ibig sabihin open din sya para sa lahat ng kumento. Pero kung mamimili ka rin lang ng kumentong gusto mong makita, private mo na lang blog mo o isarado ang comment box.

~ Wag magpopost at idedelete, tandaan maraming mata sa paligid. Malalagay sa alanganin ang iyong kredibilidad kung mababasa nila ang iyong sinulat tapos biglang mawawala, tapos magsusulat ka na naman ng salungat sa nauna mong sinulat. Mali un. Kaya isip-isip pag may time bago pindutin ang publish button.

~ Tandaan! Kung makikisawsaw ka sa isang trending isyu o sa isyu ng isang sikat na tao, asahan mo na ang kumentong “gusto mo lang traffic eh“. Wag ka nang kumontra sa comment na ganyan, may katotohanan naman eh kahit di natin aminin. Kung di tutuo, edi sana binablog mo lang ay ang buhay mo araw-araw, diba?

~ Eto pa!, Huwag kang magpapanggap na Anonymous para lang ma-mura mo ang mga kumokontra sayo sa comment box. Para ka lang tanga nun.

Yan na lang muna. At sorry kung may tinamaan…Oops!, di pala pwedeng mag-sorry kung di mo rin lang naman babaguhin ang sinulat mo.

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *