Ang Philippine Standard Time at ang Filipino Time

Philippine Standard Time

Ngayong araw na to, Hunyo 1, 2013, epektibo ang batas ukol sa paggamit ng tinatawag nilang Philippine Standard Time o PST na sinulat ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Layunin nito ang magkaruon ng iisang oras na sinusunod ang lahat ng ahensya ng gobyerno, ang oras ay manggagaling sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at maaaring makikita sa http://www.dost.gov.ph.

Ang media gaya ng TV at Radio Stations ay inoobliga ring sumunod at sumabay sa Philippine Standard Time. Sa pamamagitan nito, ang mga mamamayang Filipino ay mabibigyan ng tamang impormasyon ukol sa tamang oras.

Ano’t-ano pa man ang layunin ng batas na ito, ang tanong, mababago kaya ang pag-uugali ng ilan sa ating mga Pinoy ang tungkol sa tinatawag nilang “Filipino Time”?

Yun bang, ang napagkasunduang oras ay alas otso ng umaga pero magsisidatingan ay lagpas ng alas otso at kung minsan pa’y lagpas isang oras sa nagpakasunduang oras. Tapos kapag tinanong mo kung bakit late ay maraming dahilan na pwede namang umalis ng mas maaga sa pinanggalingan upang makarating sa paroroonan sa tamang oras na napagkasunduan.

Aminin man natin o hindi, ilan sa atin ang ganito ang pag-uugali.

Ngayong may batas na para sa Philippine Standard Time o paggamit ng iisang oras, bukod sa mabuting idudulot nito sa ating mga ahensya ng gobyerno, ano naman kayang magiging epekto nito sa ating mga ordinaryong Filipino?

Ikaw? Ano sa tingin mo?

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *