Ang Pagkikita ni Lord CM at CM Titan

Bilang isang OFW, isa ako sa milyong-milyon na may dalawang sim card. Oo, Dalawa dapat, minsan nga tatlo pa. Isa para sa local sim kung saang bansa ka naroon at isa para sa roaming sim, kung may pangatlo di ko na alam kung bakit, siguro may sekreto.

Ayun! Kung hindi dalawa ang cellphone ng isang OFW dahil dalawa rin ang sim card nya, meron syang phone na dual sim. Pero ako, isa lang cellphone ko dati, hindi dual sim, nagpapalit lang ako ng simcard pag kailangan tumawag sa Pinas. Kaya nga pinangarap ko rin magkaruon ng dual sim cellphone para di na nagpapalit-palit ng sim card.

Madalas nasa online store ako na nagbebenta ng mga cellphones at gadgets para magtingin kung anong magandang cellphone na bagay sa akin.

Kaya nitong nakaraang Marso 13, nung alam kong may sobra akong pera pambili ng bagong phone. Kinausap ko ang isang kaibigang blogger, itago na lang natin sya sa pangalang John, may akda ng Semidoppel. Kinailangan kong kumausap ng ibang tao para magpabili ng cellphone online, pwede naman ako ang bumili, kaso problema maraming detalye ang dapat ibigay sa magdedeliver para lang makapunta sa Palau ang bibilhin ko online. At sya nga si John.

Umaga ng nakausap ko si John at nakisuyo na bilhan ako ng cellphone sa Lazada.Com.PH, swerte naman at hindi ako tinanggihan ng kaibigan kong blogger. Kaya nagkasundo kaming ipadala ko ang pera sa kanya para sya na lang ang bibili online at magpapadala dito ng cellphone sa Palau.

Nung araw din na un, miyerkules ng hapon, pagkatanggap nya ng perang padala ko, umorder sya agad online. Sa madaling salita, malapit na ako magka-cellphone, dual sim, android, astig!

Kinabukasan, huwebes pagkatapos mananghalian nagmessage si John, dumating na raw ang cellphone ko. Oo, ganun kabilis, walang 24 oras naideliver ng Lazada ang inorder namin. Sobrang excited, sabi ko kay John na ipadala kaagad sa isang remittance center sa Pasay para umabot sa flight ng byernes papuntang Palau. Di nga kami nabigo, umabot ang cellphone sa flight ng sumunod na araw, ibig sabihin palilipasin ko lang ang sabado at linggo, lunes nasa akin na ang pinapangarap kong cellphone.

Lunes! Excited lang dumating ang tanghalian para makuha ko na ang bago kong cellphone. Excited ka rin? Sige na nga, shortcut, nakuha ko na at dali-dali kong binuksan ang package, ito na! Meet nyo na rin, Si CM Titan!!!

cherry mobile titan

Sya si CM Titan, o Cherry Mobile Titan. Parang pinagtagpo lang kami diba? Ako si LordCM, sya naman si CM Titan.

Maraming magandang klase ng cellphone ang Cherry Mobile, gaya ng Skyfire 2.0, pero eto ang recommended ng isa ko pang kaibigang blogger na si Bon ng Taragis.

Hanggang ngayon magkasama pa kami ni CM Titan, nabilhan ko na rin sya ng casing para hindi madaling masira. Enjoy naman, daming application na pwedeng idownload at gamitin, daming games. At ang pangarap kong magkaruon ng cellphone na dual sim ay natupad din.

Ikaw, natagpuan mo na ba ang pangarap mong cellphone?

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *