Sulat para kay MMDA Chairman Francis Tolentino

Mahal Kong MMDA Chairman Francis Tolentino,

Nabasa ko po ang liham nyo para sa isang sikat na manunulat na si Dan Brown, ang tutuo di naman ako mahilig sa mga libro o babasahing kwento kaya di ko kilala si Dan Brown. Pero ganunpaman, idol kita kaya ung sulat mo para sa kay Dan Brown ang binasa ko.

mmda chairman letter to dan brown

Sa tutuo lang po, ang OA mo po! Di nyo po ba alam na imahinasyon lang yun ni Dan Brown? Piksyon sabi nga nila. Ang dami pa pong problema ng ating bansa, wag nyo na idagdag ung pagiging sensitibo nyo sa mga ganitong bagay. Buti po sana kung makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas ang pagpuna nyo sa kwentong isinulat ni Dan Brown, eh mukhang hindi naman po.

Aaminin ko po sa inyo, gaya ng isang karakter sa libro ni Dan Brown na si Sienna Brooks, na-trauma din ako nang minsan akong magtrabaho sa Manila. Sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi na ako babalik jan. Ikaw ba naman ang maligo, magpabango at maghanda para pumasok sa trabaho, tapos pagdating mo sa office ay amoy usok ka na. Alam mo un?, pagod na nga akong nag-igib ng balde-baldeng tubig sa babang kalsada para may ipangligo ako tapos sasabak lang pala ako sa matinding trapiko at palipat-lipat ng sakayan makarating lang sa opisina. Hindi ko na po ikukuwento ung pagkatapos ng trabaho na makikipag-unahan akong makasakay sa jeep para lang makauwi, swerte nang makaupo, kasi kadalasan, nakasabit lang ako sa bandang likod. Hindi ko na po ikukuwento yun.

Buti pa po nung umuwi ako ng madaling araw galing sa isang kliyente, kung tatanungin nyo po, ako ang isa sa gumawa ng Ticketing System ng lahat ng SM Cinema, hehehe…Ayun kailangan naming hintayin makapagsara ang cinema at makapag generate ng End-of-Day report ang sinehan bago kami umuwi. Inuna ko na po ung paliwanag bago pa may magtanong kung bakit ako umuwi ng madaling araw…Edi yun na nga, umuwi po ako ng madaling araw, at habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada, may biglang sumalubong sa akin na lalake, sabay sabing “Boss, Chicks?“, o diba, Gates of Heaven ang dating kontra sa sinasabi ni Dan Brown na Gates of Hell daw ang Manila,Sinungaling talaga yun!…Pero sabi ko sa lalakeng sumalubong sa akin, “pass muna, pre…

Napahaba ang kwento ko tuloy, seryoso, Di ko naman po sinasabing may katotohanan ang mga kwento ni Dan Brown sa kanyang librong “Inferno”, pero po parang sobra naman po kung makareact kayo. Apekted?! Ang daming kwento at pelikula na mas grabe pa sa kwentong ginawa ni Dan Brown, bakit po dun hindi kayo nagreact?, dahil tulad din po ba kayo ng iba na pumapatol lang at nakikisawsaw sa mga sikat na tao para nang sa ganun ay sumikat din kayo? Wag po ganun, bad un.

Anyway, yun lang…Kapag nagreply si Dan Brown, pabasa ako ah ๐Ÿ™‚

Nagmamahal,

LordCM

PS : Chairman, di na po para sa inyo ang parteng to kaya wag nyo na basahin. Para sa mga interesado sa imahe sa taas at buong balita tungkol sa sulat ni Chairman kay Dan Brown, punta po kayo ditoย MMDA ‘disappointed’ over Dan Brownโ€™s depiction of Manila in latest novel.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Aira 21 says

    Sorry na LNG kc I’m not interested SA book Ni Dan Brown… At sa nagsulat nitong liham parang masama ang mga karanasan mo SA Manila. Kesyo ba nagreact ay pumapapel na o d kaya’y nagpapalaganap popularity para sumikat. Na2ral LNG na mag react sya. Filipino naman sya at karapatan Nya un. Kc Ako nag start me SA Maynila.. Dahil dyan Ako sumakay nang plane papuntang abroad.. Lol. Lately na LNG na may mga international airport SA mga province.i don’t think na Manila ay gates to hell. Maski saang country naman may mga slut d LNG SA Pilipinas. Kahit saan may traffic d LNG dyan SA pinas . Wag u masyadong look down ang Manila.. Lahat yata nang apportnunity dyan nanggaling. Magpasalamat KA na lng..

    • LordCM says

      Di naman po masama karanasan ko sa Manila, di ko lang naranasan sa probinsya namin ang naranasan ko sa Manila at di rin po ako sumasang-ayon kay Dan Brown o kay MMDA Chairman, ang point ko lang po is kilalang manunulat si Dan Brown ng mga kwentong imahinasyon, kumbaga walang katotohanan..hindi po natin kailangan magreact ng tulad ng ginawa ni MMDA Chairman ๐Ÿ™‚

      Imbes na magreact ng sobra, bakit di lang ayusin ang mas malakeng problema, diba? ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *