Si Vice Ganda at ang Kanyang Pagpapatawa

vice gandaSa tutuo lang, nakakatuwang panuorin si Vice Ganda. Dati hinihintay ko talaga ung Gandang Gabi Vice kahit sobrang gabi na sya pinapalabas dito sa Palau, kaso nitong mga huling buwan, nagbago ata schedule at madaling araw na kung ipalabas ang GGV dito sa Palau.

Nakakatuwa lang kasi ung mga hirit nya, saka ambilis nyang nakakaisip ng kung ano-anong jokes. Parang ang talino nya na napakabilis gumana ng utak pagdating sa mga jokes. Matatawa ka talaga dahil bukod sa personal na banat nito sa mga kausap nya ay parang may katotohanan ang sinasabi nya at dinaan lamang sa joke. Kaya kung kilala mo ung binabanggit nya sa joke nya, malamang tawa ka rin ng tawa.

Pero, alam kaya ni Vice Ganda na ang lahat ng bagay ay may limitasyon? Kumbaga ung sobra ay kung minsan hindi na rin nakakabuti. Oo, masarap sa pakiramdam ung ang dami mong napapatawang tao. Yun nga lang, kinakailangan mo pang gumamit ng isang seryosong tao, kutsain, lait-laitin para lang mapatawa mo ang mga manunuod.

Fans ako ni Vice Ganda, oo. Pero etong joke nya kay Jessica Soho, parang grabe na. Gaya nito;

Ang hirap nyan kung si Jessica Soho magbobold, kailangan gang rape lage“, eto na nga lang, panuorin nyo.

O diba? Sabihin na nating joke yan, pero ang taong tinutukoy nya ay nasa kalabang istasyon ng ABS-CBN, isang seryosong tao, at malamang wala namang ginawa kay Vice Ganda para gawan nya ng joke na halos Below the Belt na. Sabi nga nila hindi magandang gamitin ang salitang “RAPE” sa pagjojoke.

Hayz, Vice…Di na ata nakakatawa. Ingat-ingat din kapag may time. Marami ka ngang napapasayang tao habang ang taong ginagamit mo sa pagpapatawa mo ay baon na sa lupa sa tindi ng panglalait mo.

May 29 Update : Nag-sorry na raw po si Vice Ganda kay Jessica Soho sa noontime show nilang “It’s Showtime”. Nice Vice!

Tulad sana ng tutuong ibig sabihin ng sorry, hindi na maulit na may masaktan tayong ibang tao para lang makapagpasaya ng iba.

Isa pang Update : Inacknowledge na raw ni Jessica Soho ang Public Apology ni Vice Ganda and eto ang Official Statement ni Jessica Soho;

I acknowledge the public apology given by Vice Ganda, by way of his TV program.

I sincerely hope and pray that this was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us.

Just to clarify certain points about my phone conversation with him — his call came without warning as his number was not programmed in my phone directory. I told him I wasn’t feeling well and I wasn’t sure I was ready to talk to him. But I clearly remember thanking him for his call.

As I’ve said, this is not about me, but about the issue of rape not being an appropriate subject matter for comedy. Rape transcends age, economic class, gender — and even one’s weight.

Once again, I thank everyone who gave their support.

Ayan, ok na…Sana ok na rin lahat 🙂

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. michelle says

    sana pinag isipang mabuti ni vice ang ginawa nyang pagpapatawa..respetadong journalist ang tinutukoy nya.konting respeto naman!!

  2. brian says

    di na nakakatuwa si vice………baligtarin kaya natin ang situation…di kaya cya maiinis….ginawang pagkakakitaan ang ibang tao…..

  3. qwerty says

    daming hypocrite. kung magbibigay tyo ng opinyon siguraduhin po naten na ang opinyon nten ay nsa ayos. hndi yung mumurahin din nten yung taong involved. Alam naten na mali ang gnawa nia pero ang mag comment ng di naayon sa tngin nio may pinagkaiba tyo sa taong iyon? think before you speak

    • joe navarro says

      Di Mo Masisi Query says…. Bastos at walang pinag aralan pati na CHAROT santos tumawa pa.. Kaya kahit kailan di ko magustuhan abs

      • BRANDO says

        RELAX SIR …PUSO MO…. PATI C NANCY BINAY KAWAWA RIN DUN….. JOKE LNG PERO NAKAKASAKIT TALAGA NG DAMDAMIN KNG ISIPIN DUN SA TAONG SUBJECT NA GINAMIT MO SA JOKE.

    • Frank Nigan says

      cguro makikita natin sa lkasi ng tao yong bunga nya…or nag papakita kong anong klasi sya…
      May I share to you this quotes; “Watch your thoughts it become words, Watch your words it become actions, -with action come consequences…”

  4. Johnyar says

    Bakit ang mga nakaraang komedyante nagppapatawa kahit di gumagamit ng ibang tao o nanlalait ( dholphy, chiquito, tessie tomas nova villa at elizabeth ramsay ) Kong anong pangit ni Vice pangit ganon din kapangit ang lumalabas sa bunganga niya. Dami pang video sa youtube na kong laiyin nia ay wagas lalo na si mommy Dionisia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *