Si Baby 59 at Ang Halaga ng Buhay

Napanood mo ba sa balita kagabi ang tungkol sa baby boy na nasa loob ng Sewage Pipe ng isang Apartment sa China? Oo, tama nabasa mo, “sewage pipe”.

baby sewage pipe

Di ko alam kung paano sya napunta dun pero ayun sa balita Two-day-Old pa lang daw si Baby 59, Baby 59 ang pansamantalang ibinigay na pangalan para sa kanya dahil ito ang number ng incubator kung saan sya pinapagaling ngayon.

Kung paanong may nakaalam na nasa sewage pipe si Baby 59, kasi may narinig raw ang mga kapitbahay na iyak ng baby at ng makita nila ang paa ng bata na nasa sewage pipe nga, dali-dali silang tumawag ng rescue. Kinailangan pang tanggalin ang parte ng pipe na kinalalagyan ni Baby 59 at dalhin sa hospital upang duon maingat na ilabas si Baby 59 sa pipe.

Nakakabilib lang, kasi parang talagang gustong mabuhay ni Baby 59 kahit pa itinapon na sya ng sarili nyang mga magulang. Pilit syang umiyak sa loob ng makipot na sewage pipe para makatawag pansin. Oo, di natin alam ang buong istorya, magulang man nya o hindi ang naglagay sa kanya sa pipe, di pa rin gawain ng matinong tao yun na ilagay sa sewage pipe ang isang baby.

2 Day old pa lang si Baby 59 pero astig kung iisipin na isang tulad nya ang gustong mabuhay kahit pa nasa kasalukuyan syang paghihirap. Di tulad ng iba sa atin, makaranas lang ng dagok sa buhay, eto’t naglalaslas, nagbibigti o halos ayaw ng mabuhay.

Nakakalungkot lang isipin na kung minsan daig pa tayo ng mga inosenteng bata pagdating sa kung paano natin tinitingnan ang halaga ng buhay.

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *