Isa nga ba Itong Malinaw na Diskriminasyon sa ating mga Kababayan?

Ako po ay isang OFW dito sa bansang Palau. Nagtatrabaho sa isang kumpanya ng mahigit na sa siyam na taon. Isa sa layunin ko at ng iba pang Filipino na lumalabas ng bansa ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Makapagpadala ng pinagpagurang pera sa Pilipinas para sa araw-araw na gastusin ng ating mga Pamilya. Kaya’t anumang bagay na posibleng maging dahilan upang ang sapat na ipinapadala natin sa ating mga pamilya ay mababawasan pa ay ating hahadlangan hanggat maaari.

Kamakailan lamang, ang Gobyerno ng Palau ay naglabas ng isang batas na nagdidikta sa mga Foreign Workers ng Palau na magbayad ng tax na apat na porsyento(4%) ng kanilang ipinapadala sa labas ng Palau. Kung ako po ay magpapadala ng $100 sa aking Pamilya sa Pilipinas, bukod sa service charge ng remittance center na hindi bababa ng $5, depende sa lake ng perang ipapadala, kinakailangan ko pang magbayad muli para naman sa remittance tax na $4.

Ang batas na ito na para lamang sa mga Foreign Workers ng Palau ay pilit na ginagawan ng paraan ng mga Kababayan natin na kahit papaano’y iurong na ang pagpapatupad nito o kaya nama’y bawasan ang tax na kailangang bayaran ng mga Foreign Workers. Dahil bukod sa 12% tax na ibanabawas sa sweldo ng bawat Filipino, isa ito sa magiging dahilan para mas lalong maghirap ang ating mga Kababayan, lalong-lalo na ang mga OFW mababa pa sa minimum ang sinusweldo.

Ngunit sa pag-alma ng ilan nating Kababayan, isang hindi nagpakilalang Palau National ang sumulat sa Tia Belau at ipinalathala ang kaniyang opinyon ukol sa pagrereklamo ng mga OFW sa nasabing batas.

Ang imahe o sulat sa baba ay nalathala sa dyaryo ng Palau na Tia Belau nitong Mayo 23, 2013.
Palau Remittance Law Letter 1
Paglipas ng ilang araw dalawang di rin nagpakilalang Filipino ang sumulat sa dyaryong Tia Belau upang sagutin ang naunang sulat;

Palau Remittance Law Letter
Palau Remittance Law Letter 3
Ang mga imahe o sulat ay mula sa dyaryo ng Palau na Tia Belau, ilan sa ating mga Kababayang narito sa Palau ay mayroong kopya nito at kasalukuyang usap-usapan ang isyu.

Ang tanong, Isa nga ba itong malinaw na Diskriminasyon sa ating mga Kababayang Filipino?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Huwaw saludo talaga ako sa mga OFWs natin jan sa Palau. Ang husay nilang makipaglaban kung ano tama at nararapat para sa ating mga kababayan! Thumbs up!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *