Ang Aking Red Shoe Rack

Nitong nakaraang araw lang ay naglinis ako ng kwarto ko. Napansin ko lang na medyo malakeng espasyo ung naookupa ng mga sapatos ko. Oo, mga sapatos, mayaman ako eh lolzz Naisip kong maglagay ng shoe rack, pero imbes na bumili, nanghingi na lang ako sa isang katropa…At ito ang ibinigay sa akin;

shoe rack

Isang Red na Shoe Rack!, Ganda no? Eh di naging maayos ang mga sapatos ko at nagkaruon pa ako ng kaunting espasyo na pwedeng paglagyan pa ng ibang bagay…Salamat sa aking katropa…Pero hindi dyan nagtatapos ang kwento ko tungkol sa Red na Shoe Rack, dahil nakita nyo na ang mga walang kwenta at marumi kong sapatos, ipakilala ko na rin sila sa inyo…

1. Converse – All Star : Kabibili ko lang nyan nitong huling bakasyon ko sa Pinas, original kaya Php3,000+ ang presyo. Bwisit nga lang kasi sana hindi na ako bumili nyan, pero mamaya na kwento.

2. Tretorn – Kung Batang ’90 ka, tiyak nakapagsuot ka nito. Actually 2005 pa ata nabili yan. Gustong-gusto ko lang talaga yung mga ganyang klase ng sapatos, magaan, kumportable at kahit saan mo iparehas na damit ay babagay. Paborito ko to nung wala pa akong Chuck Taylor.

3. Converse – Chuck Taylor : Peke yan! lolz, yan ang sinasabi ko sa taas kung bakit ko pinagsisihan ang pagbili ng original na converse. Biruin mo, Php350 lang yang Chuck Taylor na yan, kumpara sa original ng Php3,000+, eh mas madalas ko pang gamitin si fake kaysa sa original ngayon eh! At pwede pa akong bumili ng siyam na sapatos pa!, ayan, kaya binili ko na rin si Number 7…Eto na ngayon ang madalas kong gamitin.

4. Nike – Air Max : Eto naman kabibili ko rin lang. Nung naisipan kong mag-exercise at magbuhat-buhat kaya ko to binili, kaso tinamad na ako, di ko alam kung itutuloy ko pa ang paggi-gym. Isa rin to sa madalas kong gamitin ngayon kasi magaan sa paa.

5. Sandals at Tsinelas na Quicksilver : Syempre dapat may pang araw-araw ka…

6. Caterpillar : Sa tutuo lang, dito talaga ako mahilig. High Cut, Steel Toe na parang ang bigat tingnan. Nakailang caterpillar na rin akong sapatos simula nung nagpunta ako dito sa Palau. Pero ngayon di ko na sya madalas gamitin magmula nung dumating si Chuck Taylor at Air Max.

7. Vans – Peke din yan! Eto ung isa pa sa nabili kong kasama ni Chuck Taylor, Php350 rin. Mura no?, pero di ko madalas gamitin, may binabagayan eh.

Yun lang! Dati, isa o dalawa lang sapatos ko ok na ako, isa o dalawang taon bago ako magpalit ng sapatos. Pero ngayon dahil may mura akong nabili, kahit araw-araw magpalit ng shoes, pwede na! Tapos may Red Shoe Rack ka pa! Ayos!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Hahanap nalang ako ng ganito sa ukay ukay. It’s ironic how you use the fake ones more than the original, iniingatan lang ang original? hehehe

  2. says

    hi kuyah!!! akoh ren bihira na ren ditoh… padaan daan na lang pag trip… unlike non na sooper adik… eniweiz i’m so glad na nakausap kitah uletz… kaw na lang atah at c marco paolo ang mga natitirang old ka-blogs koh… kau ung mga orig na ka-blogs koh non… naglaho at naghiatus na ang iba… oh c mareng amor once in a while paparamdam… nd i dunno c josha if u remember her minsan nagparamdam den and c kuya ej minsan den… yeah puro multo na silahh.. lol… anyhoo… dyan ka pa ren sa palau bah yun??? … so yeahh…. my comment has nothin’ to do w/ ur post… gusto koh lang makikamustahan… later! Godbless! -dhee

  3. says

    yung sister ko rin po mahilig sa sneakers na tipong lahat ng uuso bibilin. bumili din po siya ng converse na org for 2k, tapos bumili ng vans na 300+ yata, tas yung vans po laging gamit para daw di masira yung org. :/

  4. says

    Sa totoo lang, hindi pa ako nakakabili ng japeyk na sapatos. Pero hindi ko naman sinasabi na mayaman ako. Hehe. Ang panget naman dito, tuwing dalawang taon lang ako magpalit ng sapatos. ‘Yun ngang isang Chuck Taylor ko, umabot ng anim na taon bago ko palitan. Ngayon walong taon na s’ya, pero hindi ko na ginagamit. Super vintage na. Pero magagamit pa naman, pang-special occasion na lang siguro. Lol

    Nice rack nga pala, ser! Hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *