Mahirap Maging Programmer, Nakababaliw!

Nagtatrabaho ako sa Makati nuon bilang programmer nuong nabuntis si misis sa bunso namin. At dahil walang mag-aalaga sa kanya bago at pagkatapos nyang manganak, napagdesisyunan naming sa Olongapo na lang sya manganak dahil andun ang buong pamilya ko. At ako, naiwan sa Makati.

Pero syempre, dahil na rin sa maraming rason at sa madaling salita na sinumpa ko ang pagtira sa Makati, pinilit kong bumalik sa Olongapo upang duon na magtrabaho at makasama ang buo kong pamilya. Pasensya na sa dati kong Boss, doble ang sahod ko kung sa Olongapo ako magwork at malalapit pa ako sa pamilya ko.

Taong 2001, kaparehas ng buwan ngayon nuong nag-apply ako bilang Jr. Programmer sa Subic Bay Yacht Club(SBYC), Ito rin ang buwan ng kapanganakan ni misis. Di naman ako minalas at may tawag ako para sa interview at exam bilang Jr. Programmer. At dito na nga nagsimula ang kwento. Wag ka mag-alala, akala ko rin naumpisahan ko na eh, di pa pala…

Ayun! Dumating ako sa SBYC at nakadaupang palad ang IT Manager. Di ko na nga lang matandaan kung ano-ano ang mga tinanong sa akin sa interview. Basta ang natatandaan ko, isinama nya ako sa lobby ng SBYC. Oo nga pala, ang SBYC ay isang Hotel and Resort, so, imagine mo na lang kung gaano ito kaganda.

Yun na nga at nasa Lobby na kami ng SBYC, nakakamangha lang dahil bihira ako makapasok sa mga ganung lugar at kung iisipin, malamang dito ako magtatrabaho, Astig! Umupo kami sa isang sofa na nasa gilid lang ng lobby at may table na nasa harap, sabi nya kailangan ko raw mag-exam.

Yun oh! Eto ung pinaghandaan ko eh, dito ako kumbaga magaling, sisiw lang to.

Pero, bakit sa lobby?

Sa may sofa?

Kaharap ko table na parang magmemeryenda lang kami?

Di ba dapat sa harap ng computer ako mag-exam?

Daming tanong na umukit sa aking isipan hanggang sa binigyan nya ako ng lapis at papel, apat na pirasong papel. Kailangan ko raw gumawa ng isang File Maintenance System.  Oo, bilang Jr. Programmer na ina-apply-an ko kailangan kong gumawa ng isang sample program na may Add, Edit, Delete, Search at kung ano-ano pang kailangan para sa isang File Maintenance System gamit ang lapis at papel.

Sa umpisa iniisip ko kung paano ko ito gagawin, sanay kasi akong gumawa ng program kaharap ang computer, at least sa computer pwede mong itest at idebug ang isang program, pero sa papel, di ko maimagine kung paano ko sya iko-compile at ira-run. Pero, naisip ko rin, eto siguro ung sinasabi ng mga batikan sa programming na ang pagiging programmer ay puno ng challenges. Ito na nga yun.

Sa madaling salita, gumawa ako ng isang File Maintenance System gamit ang lapis at papel at nang matapos ay ipinasa ko sa IT Manager. Alam nyo bang nakapasa ako? Oo, di ko lang alam kung paano nya nalaman kung tumatakbo ba ng maayos ung program na ginawa ko sa papel.

At syempre good news, tanggap na ako at balik na lang ako paglipas ng ilang araw para sa orientation. Pero di pa lumilipas ang ilang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay IT Manager, at ang sabi, may isa pa raw programmer na natanggap. Unahan na lang daw kaming makarating sa SBYC, ang mauna, sya ang may trabaho at kapag ikaw ang nahuli, alam mo na!

Papahuli ba naman ako? Syempre hindi, programmer ako eh, kahit anong challenge pa yan!

Ikaw? Gusto mo bang maging programmer? Isip-isip…at nakababaliw!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    di ko naranasan yung unahan.. pero yung sa papel oo naranasan ko yan..

    in my case, pinapadebug sa akin ang tatlong working program na nakasulat sa papel.. mahirap sya in a sense na kailangan mo intindihin kung para san ang program at saka mo hahanapin ang mali.. kung sa computer gagawin yun, run mo lang kita na agad yun eh, kahit di mo na intindihin ang prog… dun pa lang alam mo na kung para saan ang test 🙂

    Tingin ko dun sa exam mo, logic ang tinetesting.. in terms of syntax kasi, mas maganda kung flexi ang programmer, opinyon ko lang po ah hehe

    *nicopy and paste ko na lang yung comment ko sa FB hehe*

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *