Mga Dapat Isaalang-alang Bago Sumali sa Isang Investment Program o Networking

Kung may facebook account ka, malamang sa malamang nakakabasa ka rin ng mga status na kumita sila ng 20,000 ng walang ginagawa, nakapagwithdraw sila ng 30,000 sa loob lamang ng ilang araw, at iba pang pagyayabang na malayo sa katotohanan.

Medyo malapit din naman sa katotohanan pero sigurado akong marami nang pera at oras ang inubos nya para lang makuha yang mga yan.

Madalas ko mabasa ang mga yan sa mga friends kong mahilig sa Investment Program o Networking. Di mo rin naman sila masisi dahil gusto lang nilang makaengganyo ng iba para sumali sa sinalihan nilang programa at sa kalaunan ay kumita sila sa bawat sentimong kikitain mo rin sa pagsali sa programang ito.

Kung sakali mang makasalubong ka sa Facebook ng mga nang-eengganyong sumali ka sa isang programa o sabihin na nating nagrerecruit, wag mong kalimutang itanong ang mga sumusunod at ang dahilan kung bakit mo dapat itanong ang mga yan ay nasa baba lang ng bawat tanong;

1. Ilang taon na yang programang yan?
– may mga programang buwan lang ang itinatagal at magsasara na lang bigla kahit di ka pa nakakabawi.

2. Ano ang kasiguruhan na hindi magsasara ang programang yan?
– wala atang nakakaalam, maski ung may pakana ng programang tulad nito ay di alam kung kailan sila malulugi o kung kikita ba sila. malalaman mo lang ang tamang kasagutan dito kung intensyon talagang manloko ng mga nagpapatakbo ng programang ito.

3. Sa paanong paraan kumikita ang programang yan?
– saan nga ba nila kukunin ang perang ipambabayad nila sayo bukod sa puhunan iinvest mo sa programang yan? paano nila patutubuin ang perang pinuhunan mo sa kanila?

4. Magkano ang initial investment mo para kumita ka ng ganyan kalakeng halaga?
– kung mag-invest ka ba ng Five Pesos, kikita ka ng 1000 pesos sa loob ng isang linggo?

5. Kailangan ko bang magrecruit para kumita?
– alam na natin to, halos lahat yata kailangan magrecruit para kumita ka.

6. Ilang araw bago ko mabawi ang puhunan ko?
– kung legit ang programang sinalihan mo, kalimitan inaaabut ng buwan bago mo mabawi ang puhunan mo.

7. Ilang araw bago tumubo ang puhunan ko?
– isipin mo na lang ilang araw bago mo mabawi puhunan mo, tapos ilang araw ka uling maghihintay para tumubo naman ung puhunan mo. Saka mo isipin ung sinasabi nilang sa loob lamang ng isang linggo o ilang araw ay kumita na sila ng libo-libo

8. May proof ka ba na nag-invest ka ng ganitong araw at ilang araw lang ay kumita ka na ng halagang tulad ng sinasabi mo? Kung oo, nasaan?
– hindi masamang manghingi ng katibayan, pera mo ung gagastusin mo para sa puhunan eh

9. Gaano kadaling magcashout o magwithdraw kapag may earnings na ako?
– minsan eto ung part na pahirapan talaga. nag-earn nga ung puhunan mo after ilang araw, ilang buwan naman ang hihintayin mo para lang mawithdraw ang earnings mo.

10. At dahil malake naman ang kinikita mo jan tulad ng sabi mo, kaya mo ba akong bigyan ng puhunan para makasali ako sa programang yan? at dahil after ilang araw lang ay kikita na ako, tulad ng sabi mo, babayaran na lang kita agad 😀
– diba? kung talagang kumikita sila ng malake sa loob lamang ng ilang araw at ipinagyayabang nila sayo ito na ganun din ang mangyayari sayo kung sasali ka, pahiram muna puhunan!

Marami pang pwedeng itanong pero yan na lang muna, kayo na bahalang mag-isip ng iba. Sa tutuo lang, may katotohanan naman ang mga sinasabi nilang pagkita nila ng malakeng halaga, pero hindi ito nakukuha sa napakadaling paraan. Minsan kailangan mo maglabas ng napakalake ring halaga para kumita ng mabilis, kailangan mong magsipag at magtyaga at ubusin ang oras mo sa isang programang tulad nito.

Bookmark mo na tong blogpost na to. Para sa susunod na may magrecruit sa inyo, ishare nyo ang blogpost na to at pasagutan ang mga katanungan sa taas bago kayo magdesisyon na sumali.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    maraming salamat naman dito… ako man ay marami ng nasayang na pera sa online investments. may kita naman pero most of the time di kasing laki compared dun sa mga may funds talaga to invest… pero most likely yung too good to be true yun yung mas maagang mag lalahong parang bula…

  2. says

    Tama! One of my friend ay sumali sa isang networking. 7500 ata ang puhunan mo. Una pa lang nagtaka na ako. Bakit kelangan mo maglabas ng ganyang kalaking pera di ba? After mo magbayad ng 7500, bibigyan ka ng mga products nila para ibenta. Tsaka magrecruit ka raw para kumita. Noon pa nila kami pinipilit ng aming kaibigan na sumali pero hindi kami sumali. Pinagyayabang pa nila na magkakapera sila pero until now, di ko pa nakitang umasenso sila dahil doon. Di pa ata nila nakuha yung 7500.

    • LordCM says

      maraming ganyan…ang tutuo kapag nakapag cashout na sila, ipopost nila agad sa FB Wall nila na kumita na sila kahit di pa nila nababawi ung puhunan nila…ang nangyayari pala, kina-cashout nya pa lang is yung part ng puhunan nya 😀

      pero para makapagrecruit, syempre papakita nila ung na-cashout nila, kahit hindi pa bawi ang puhunan

  3. says

    Isa pa ay, marunong ka bang mambola ng iba para makapagrecruit ka. Kung hindi, hwag ka na lang sumali dahil I am sure magsisisi ka lang dahil mahirap magrecruit ng magaling mambola.

    Another is, tanungin mo sa mga matagal ng miyembro if ano mga lumalabas na problema, gaya ng nadedelay na cashout(very dangerous sign) at yong mga recruit mo marami kang tanong nila na dimo masagot ng deretso na puro pangako ka na maaayos din ang lahat(another dangerous sign).

    Very good post at kailangan pa ng mas maraming babala na ganito dahil maraming nag-iinvest sa mga networking. OO nga matagal na ang mga iba pero walang tumatagal sa mga recruit nila dahil umaalis din sila dahil hindi biro ang MAMBOLA ng mga tao.

  4. says

    Tama! Sila dapat ang magpahiram ng puhunan! Dun talaga magkakaalaman. Yung isa kong friend, umattend ng ganyan. Yung speaker daw, sobrang yaman na, dami na daw ng kotse… Tapos nung pauwi na, nakasabay nya sa jeep LOL.

  5. says

    online investor din ako…pero una una kong sinasabi sa interesadong sumali is the risk na kaakibat nito lalo na ng mga HYIP..sila yung tipong here today gone 2moro…at higit sa lahatI told them to invest the money that they can afford to lose…

    yung you need to recruit to earn…there are many HYIP na hindi mo need yung referral to earn…parang bonus na lang yun…

    Yung #10 naman…unfair naman ata yun..kong papahiram mo yung puhunan nila…di dagdag nila sa puhunan nila na lang…di ba?…

    sa sasali naman wag tatanga-tanga…alam naman natin kong scam o hindi ang isang program..sa return pa lng ng pera natin we will know naman eh.. kong till when…walang nakakaalam..kaya dapat risk taker…bawal yung iiyak-iyak..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *