ADVERTISEMENTS

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat ang nangyari nitong nakaraang araw sa Airport, di ba? Halos ilang araw na rin pinag-uusapan sa kung saan-saan ang issueng Santiago at Tulfo kaya walang dahilan kung bakit hindi mo ito alam…

Ayon sa balita, nagsimula ito sa paninigaw ni Claudine sa babaeng staff ng airport sa kadahilanang nagkaruon ng problema sa mga bagahe nila Claudine. Dumating sa eksena si Mon Tulfo at bilang isang journalist kinunan nya ng picture ang nagwawalang artista at dito na nga nagsimula ang pagsusuntukan nila Mon Tulfo at grupo nila Raymart na asawa ni Claudine at isa pang lalakeng kaibigan raw nila.

Maraming haka-haka tungkol sa tutuong nangyari pero hanggang ngayon wala pang makakapagbigay linaw kung sino talaga ang nagsimula ng gulo at kung sino ang may kasalanan.

Eto ang malupit, Ang grupong Gabriela ay naghayag ng pagsuporta kina Claudine kanina lamang sa TV Patrol. Kilala ang Grupong Gabriela na tumutulong sa mga babaeng naapi. Sa mga babaeng walang kalaban-laban at kailangan ng suporta ng nakakarami.

Pero ito ang tanong, kung suportado ng Gabriela si Claudine dahil isa syang babae na “inapi”, paano naman yung babaeng sinasabing pinagmumura ni Claudine sa harap ng maraming tao na nabalitang hindi na pumapasok sa trabaho dahil sa nasabing pangyayari. Sino ang susuporta sa kanya?

Porke’t ba sikat, suportado na? Hindi ba pwedeng ung mga taong mas nangangailangan muna ng suporta at hirap sa buhay ang suportahan nila bago ang mga taong sikat at may kaya sa buhay? Dapat ba talagang sikat na tao at artista ang suportahan?

ADVERTISEMENTS