ADVERTISEMENTS

Birthday ngayon ng Mamang ko at ng isa kong ate. Hindi ako makapunta dahil andito pa ako sa Palau. Siguro sa oras na ito binabasa na ng panganay kong anak ang mensaheng nasa baba na para sa aking nanay.

Hello Mamang, Musta? Birthday mo na naman, ilang taon na rin na hindi ako nakakapunta sa birthday mo. Pero alam ko intindi mo na yun, dahil basta para sa mga anak, lahat gagawin ng kahit sinong magulang. Naalala ko pa nung mga bata pa kami, madaling araw pa lang nasa palengke ka na, nagbubukas ng tindahan para kumita at may panggastos tayo. Nasanay na nga kaming gigising sa umaga ng wala kayo.

Ngayon mga anak ko naman ang gumigising sa umaga ng wala ako sa tabi nila, ang mahirap pa, kada dalawang taon ko na lang sila, kayo nakikita. Ngayon ko narealize kung anong sakripisyo ang ginagawa nyo dati para sa aming magkakapatid para lang may kainin at makapag-aral. Alam mo yun, kahit halos gumapang ka na sa pagod at sobrang pagka-homesick, napapawi kapag iniisip mong ang ginagawa mo ay para sa mga mahal mo sa buhay. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit papaano may magandang resulta yung mga paghihirap natin, ung pagsasakripisyo mo para sa aming magkakapatid. Look at me now! Hehehe

Alam ko, Mang, marami akong pagkukulang sa inyo. Bihira lang tayo makapag-usap, makapag-usap man, ilang minutong kumustahan lang. Halos kalahati nga ng buhay ko, magkahiwalay tayo. Pero ganun pa man, Mang, wag mo sanang isipin na hindi ko kayo mahal. Mahal na mahal ko kayo, hindi lang talaga ako ung taong marunong magparamdam o magpakita ng pagmamahal sa tao, pero sa isip ko at sa puso, alam ko, ikaw ang nag-iisa kong mamang, ikaw ang una?t huling iintindi sa mga pagkakamali ko, ikaw yung yayakap sa akin sa panahong kailangan ko ng masasandalan. Ikaw lang yun, Mang.

Sabi ni Ate Bheng, ivideo ko raw sarili ko o kaya irecord ung message ko para sayo. Para namang hindi nila alam na mahiyain ako.Saka kapag nakavideo ako makikita mo pang naiyak ako habang binabati kita, birthday mo kaya! Kaya dapat masaya :)

Ayan, hanggang dito na lang. Lapit na rin naman bakasyon ko eh. Happy Birthday sayo, Mang! At kay Ate Mhet..Sana marami pang birthday ang dumaan sa inyo at sana isa sa mga birthday na yun ay magkakasama tayong lahat.

Ang tisoy nyong anak…ngayon hindi na :)

CM

ADVERTISEMENTS
Search Terms : mensahe para sa kaarawan ng ina,pagbati sa kaarawan ng ina,pagbati sa kaarawan ng aking ina,mensahe sa kaarawan ng ina,mensahe para sa kaarawan ni nanay,mensahe sa kaarawan ng nanay,pagbati sa kaarawan ng nanay,mensahe para sa kaarawan ng aking ina,mensahe para sa kaarawan ng nanay,sulat para sa kaarawan ni nanay