PAYASO

Astig kung iisipin,
nagagawa nyang ngumiti
sa kabila ng bigat na nararamdaman
sa likod ng maskarang pilit
binabago ang nararamdaman
ng nakapaligid sa kanya

(Salamat sa http://www.hieloazul.com,
hinablot ko lang ung drowing eh)

Paunawa : Ito po ay repost, dalawang taon ang nakaraan.

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. E??su?J says

    astig ang maging payaso..
    nakakapagpasaya ka…
    natutuwa sila sayo…
    pero mahirapmaging payaso, dahil itinatago niya ang lahat ng nararamdaman niya, para lang maging masaya ang ibang tao…

  2. MarcoPaolo says

    tama ka…. sa likod ng mga ngiti nila may mga kanya kanya silang lungkot o suliranin sa buhay pero sa pamamagitan ng maskara…hindi natin maisip na may lungkot pala silang nararamdaman.

    Mahusay ang mga payaso, bilib ako sa kanila kaya nilang itago ang tunay na nararamdaman.

  3. DETH says

    cute naman ng drowing…
    pero sang-ayon ako sayo dun LordCM

    kung pde lang sana no, kapag malungkot tayo, pwede tayung magmake-up ng malaking ngiti sa mukha natin -mukhang payaso- para mas madaling itago ang lungkot na nararamdaman mo at patuloy na makapagpasaya ng ibang tao…

    ano kaya no, pumasok ka sa opisina nakamake-up ng payaso, nyahahaha(wala lang na-imagine ko din lang, oha-bumabawi ako sayo ng imagination…hehe)

  4. JEE says

    kung pde lang maging payaso tayo noh? ikaw kaya mo? hahahaha

    pero sa totoo lang bilib ako sa mga payaso. pero mas bilib ako sa mga taong naitatago pa din ang kanilang kalungkutan. merong mga ganun. at usually ang mga taong ganyan e mahilig magpatawa tlga. masayahin. para ngang payaso! lolz!

    adik kase ako! nyahahaha!!

  5. Lord CM says

    @Deth…
    di nman na siguro kelangan mag make up, magpaka plastic ka lang okey na…Ngumiti kahit sa loob loob eh sobrang sakit…

    @Jee..
    Kung mismong payaso..hindi ko siguro kaya..pero kung ung ginagawa nyang pagtatago ng nararamdaman, siguro kakayanin ko mapabuti lang ung mga nakapaligid sa akin…

  6. Meryl (proud pinay) says

    ang ganda ng sketch ah…

    mahirap maging payaso lalo na kapag malungkot ka at maraming problema sa buhay..sa kabila ng mga ngiti sa entablado..may lungkot na tinatago sa puso. pinapasaya mo ang iba pero ang sarili mo hindi mo mapasaya…

  7. The Pope says

    We as writers, we are like a clowns that bring joys and happiness to readers amidst out trials in life

  8. Lord CM says

    @The Pope…
    Sumusulat tayo para sa iba, pero aminin natin na para din sa ating sarili ang pagsusulat…Yun ang pinagkaiba natin sa mga Clowns…

    Nakakapagpasaya sila ng iba, pero sa kalooban nila nag uumapaw ang luhang pilit tinatago para lang mapasaya ang iba…

  9. Ruphael says

    Sa totoong buhay, according to studies, kung sino daw ‘yung madalas nagpapatawa ay siya din daw ‘yung may malalim na problema..Sa likod na kanyang halakhak ay may nakakubling problema/karamdaman..

    Sino kaya sa ating mga bloggers ang nagpapasan ng malaking problema sa buhay?

    Cheers!

  10. A-Z-E-L says

    teka, sinong payaso?

    pahinging number.. kelangan ng mommy ko.. para sa party… commission basis! (dati naming business yan!) pero teka may sense ba ako???

    nawala lang ako ng isang araw pati utak ko ata sumama 🙁

  11. Lord CM says

    @Ruphael…
    Di natin alam pre, kasi meron talagang tao na mahilig magpatawa hindi dahil marami syang problema, dahil talagang masaya sya…

    Kung sakali man na meron blogerong katulad ng isang payaso, malalaman natin yan sa paraan ng kanyang pagsusulat…

    @AZEL…
    Ha?!!Sinong nangyari?!!!lolzzz sige hanap mo muna utak mo 😀

  12. jhosel says

    madaming tao nga ang parang mga payaso.. yung parang ang strong nila outside at walang problema pero may mabigat palang dinadala..

  13. saul krisna says

    Hmmmmm payaso? pag kaka alam ko di ako payaso pero I intend to hide my true feeling palagi…. totoo lang ako pag kausap ko si papa GOD, kausap ko ang gerlfren ko at pag nag susulat ako dito sa blog ko…

    denial tawag ata dun… sapul ulit ako lord!!!!!!

  14. poging (ilo)CANO says

    malaman at makabuluhan ang salitang iyong binitiwan….

    ganyan din kaming mga artista..sa likod ng camera ay may kanya kanya nang istorya….

  15. Desert Aquaforce says

    mas maige ang isang bloggero kesa isang payaso.

    as a blogger you can choose what to write – masaya man o malungkot ang tema. blogging is basically the outlet of our emotions… and we’re not really restricted to wear a happy face all the time…

    ang isa namang payaso has no choice because that is his profession… he needs to have that happy and funny face all the time even if inside he is really sad. he needs to make his audience happy even if he has severe diarrhea. whaaaaahhhh…

  16. Lord CM says

    @Amor…
    Parekoy…okey ka lang? hindi yata ikaw ang nag comment eh..

    @Bomzz…
    Andaming bagay na maikukumpara, butse2z pa lollzzz

    @Saul…
    Hindi mo lang kase kayang tanggapin na minsan nagiging payaso ka, di mo rin naman pwede sisihin sarili mo dahil ginawa mo lang un para mapabuti ang mga nasa paligid mo…

    Next time pre, ilag ka na lang para di ka tamaan…

    @Pogi…
    Arista? Hehehe 😀 kilala na namin yan mga yan…di mo na kelangan umamin lolzzz

    @NJ…
    Tama ka dun NJ, at least tayo may option tayo kung anong gusto natin ipakita o iparamdam sa mga mambabasa…swerte na rin tayo dun…di gaya ng payaso na dapat lage nakangiti…

  17. netaholic21 says

    mahirap ang maging payaso, 🙁 nakukuha mong ngumiti sa labas pero sa loob loob sasabog na pala lahat, -____-

  18. Melissa Is LOVE says

    Yan tlga ang msakit sa pagiging payaso: kailangan mo palaging magsuot ng maskara at ituloy ang palabas kahit na nagdurusa ang puso mo sa kalungkutan..

  19. Nica says

    I like the drawing but I guess the clown looks scary.. It seems something is not right withe drawing.. Anyway, this is still creative!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *