Huminga ng malalim, bago basahin!

gusto kong huminto kahit saglit para di na mag isip at piliting namnamin ang sarap ng pagiging inosente sa anumang bagay na gumugulo sa pag inog ng mundo at nagpapakumplikado sa pag ikot ng kamay ng relo upang ng sa gayon makasabay sa paglipad ng laruang eroplano na kontrolado ng batang walang kamuwang-muwang O kaya’y tumakbo sa ilalim ng buwan kasalubong ang sasakyang nakakasilaw ang ilaw upang makaiwas sa nagbabantang pag ulan na sa bumbunan ko’y tutusok ng walang humpay at aagos sa mura kong katawan upang subukang basain ang natutuyo kong kalamnan at balaking buhayin ang naghihingalo nang isipan.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. animus says

    LordCM!!!!!!!musta ka na????what’s up?? what’s new?? hehe…ang daming question..u don’t have to answer…miss ko na blog mo. 🙂

    • LordCM says

      hello animus, musta? tagal ko na di nadalaw sa pahina mo ah 🙂

      eto ok lang, walang nagbago, ung page ko lang 😀

  2. says

    hindi ako huminga ng malalim sa umpisa pa lang ng aking pagbabasa kaya naman akoy umulit upang pumasok sa aking isipan ang maaring gustong ipahiwatig ng inyo pong pabasa na talaga namang malalim at kailangang pang isiping maigi bago ako tumipa ng mga letra na maari kong ibagay sa inyong lathala. (teka hinga muna)

    kung maibabalik lang saba natin ang ating kamusmusan, doon tayo malaya. 🙂

    magandang araw po sa inyo sir CM “)

  3. says

    kaya pala walang hingahan haha, astig ang concept 🙂 masarap talagang bumalik sa inosente-days natin, kung saan lahat ay busilak pa 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *