ADVERTISEMENTS

source : amandabasse.com

Tama ba naman yun?!

Mekaniko ka, may nagpagawa ng sasakyan at hindi mo nagawa. Ngayon itong nagpagawa ay nagrereklamo sa may-ari ng pagawaan dahil nga hindi magawa ang pinapagawa nya. Tama bang bigyan ung nagpagawa ng bagong sasakyan ng libre kapalit ng sasakyan nyang sira at ipaako sa mekaniko ang pagbabayad ng bagong sasakyan?

Tama ba naman yun?!

Uminom ka ng isang soda o softdrinks sa store na pinagtatrabahuhan mo sa oras ng trabaho. At dahil pagnanakaw daw un, terminate ka! Pero ung taong lantaran na nagnanakaw sa kumpanya, may mga ebidensya at mga taong makakapagpatunay, na halos daang dolyar ang ninakaw ay nananatili pa rin sa kumpanya.

Tama ba naman yun?!

Ikaw itong taon na ang binilang sa pagtatrabaho sa isang kumpanya na kahit kailan hindi na-increase-san. Halos ikaw na nga ang nag-ayos ng isang magulong sistema sa iyong departamento, eto at may baguhang empleyado na tulad mo rin ang trabaho ngunit mas mataas pa sayo ang sweldo at paglipas ng tatlo o apat na buwan magreresign dahil hindi kaya ang trabaho.

Tama ba naman yun?! O may tama lang talaga?!

ADVERTISEMENTS