Magpapakatotoo Ka ba o Makikipaglaro?

Ano nga ba talaga ang purpose ni Kuya para sa mga Housemates ng Pinoy Big Brother House?…Sa pagkakaalam ko, gamit ang mga task bilang pagsubok sa kakayanan ng mga housemate, ito rin ang nagsisilbing paraan ni Kuya upang ilabas ng bawat housemate ang kanilang TUNAY NA PAGKATAO. At dahil din sa mga task na ito, narerealize ng mga housemates kung ano nga ba ang tunay na mukha ng buhay.

Oo nga’t may punto si Kuya, pero hindi kaya may mali sa mga nangyayari sa Pinoy Big Brother House?…

Unang-una, ang bawat housemate na pumasok sa bahay ni Kuya, alam na ito ay isang contest, na mananalo ang isa sa kanila ng isang milyon o mahigit pa, na magkakaruon sila ng bahay at lupa kung sila ang mananalo , at may posibilidad na maging artista ang bawat housemate na makikitaan nila ng potensyal sa pag-arte o pagpapatawa.

Pangalawa, Kung magpapakabait sila, pakikisamahan ang bawat housemate at susunod sa lahat ng utos ni Kuya, malake ang tsansa nilang maging isa sa Big 4 na tinatawag.

Kung ikaw ang isa sa mga Housemates, Ilalabas mo kaya ang tunay mong pagkatao sa Pinoy Big Brother House?

Sigurado, marami ang sasagot ng Oo, maski naman ako, Bakit?, Tulad ng pag-amin ng karamihan sa atin, HINDI AKO PLASTIK!…Pero sa nangyayari ngayon sa loob ng bahay ni Kuya, mailalabas mo pa kaya ang tunay mong pagkatao?

Sa aking opinyon, hindi.

Paano mo ilalabas ang tunay mong pagkatao kung alam mong ang bawat kasabwat ni Kuya na pumapasok sa bahay ay umaarte lang?, Na kunwari’y pinagnanakawan kayo?, Na kunwari’y isa silang Don at Donya na panay ang sigaw at utos sa mga housemate?, Na kunwari’y isa kang housemate kahit ang katotohan ay isa ka nang house spy?

Paano mo ilalabas ang iyong tunay na pagkatao sa isang bahay na puno ng pagkukunwari?

Pinipilit ng bawat kasabwat ni Kuya na palabasin ang tunay na pagkatao ng mga housemate sa paraang pag-ubos ng pasensya ng bawat isa. Hanggang sa ikaw ay sumuko at tuluyan nang magalit, sumigaw, magmura at mang-away ng kapwa housemate. At kung lumabas na ang galit mo, ano sa palagay mo ang magiging tingin sayo ng kasama mo sa bahay, ng mga manonood? Masama?, Maikli ang pasensya?, Mayabang?

Pero dahil alam mong ang lahat ay pagkukunwari lang, pwede mong subukang habaan ang pasensya mo at ngitian lang ang bawat pangyayari. Ang problema, tatawagin ka namang PLASTIK.

Plastik ka rin namang matatawag kung sadyang mahaba talaga ang pasensya mo, tahimik, mabait at masunurin dahil hindi mo nilalabas ang gustong makita sayo ng mga manonood. Eh sadya ngang ganun ka, ano pang ilalabas mo?!

Ngayon, saan ka lulugar? Magpapakatotoo ka ba o makikipaglaro sa Pinoy Big Brother PLAY House?

Sa hirap ng buhay ngayon, malake na ang isang milyon, bahay at lupa kapalit ng pakikipagplastikan mo sa bawat housemate, sa bawat manonood at kay Kuya na Panginoon ng bawat housemate.

Ano nga ba naman yung kumilos ka sa loob ng bahay ni Kuya ng naaayon sa kagustuhan ni Kuya, ng mga manonood, at ng tulad mong housemate kahit pa hindi naman ito ang tunay mong pagkatao, at nang sa gayon ikaw ang tanghaling Big Winner.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Habang tumatagal kase mas nakikita ng tao na hndi napagpapakatotoo ang nasa luob ng bahay kundi pagpapakasarap! mistula na lng bakasyon ang nagyayare,, saka alam na nila ang nagyayare at napapanuod sila kaya plastikan na lng gnagwa nilaparadi mapasama sa mata ng manunuod

  2. says

    Naunahan mo ko sa pagpopost nito.. gusto ko rin magpost sana ng hinaing ko sa PBB, nakakainis na kasi ang takbo ng bahay na yan. Parang kalokohan na lang ang nangyayari..

  3. says

    Actually, tinigilan ko na manuod niyan dati pa, if naalala mo ung nai-share ko sa discussion natin sa FB, hindi kasi talaga makatao. Si Big Brother astang Diyos pa!

    • LordCM says

      yung pinakauna ang maganda, di kasi nila alam talaga ang mga mangyayari, di tulad ngayon na expected na kung anong mangyayari

  4. says

    medyo ang oa kasi ng mga pumasok na kontrabida. halatang umaarte sila. tulad nung unang pasok ng m6, buti nga narelaize nilang mali yung strategy nila. Pagdating sa reality show mas umangat dis time yung survivor. Sa pbb kasi ngayon ay palabas ang lahat, i mean kapag lumabas ka ng bahay may mga ganung reality ba? opinyon ko lang naman po to.

    Ang gusto ko sa pbb si slater at carlo kasi alam nila na laro lang ang lahat. kaya nila ihandle yung mga binibigay na sitwasyon ng hindi exaggerated.

  5. says

    naku kuya cm. agree ako dyan. di na ako nanunuod ng PBB ngayon yung huling nood ko yung kila gerald pa. nakakasawa na rin kasi yung ganyan tsaka tulad nga ng sinabi mo plastikan na lang ang nangyayari di na reality.

  6. says

    Minsa habang nanonood ka ng PBB parang nakaplano na ang lahat. scripted na ang mga dapat gawin.pero kung ako ang nasa loob focus lang ako sa isang milyon.gagawin ang kung ano ang magpapanatili sa akin at magpapasay sa mga manonood.

    • LordCM says

      scripted naman na talaga, tapos alam na ng mga housemate kung ano ang dapat gawin kasi alam naman nilang pakana lang ang lahat…kaya di rin masabing nagpapakatotoo sila eh

  7. says

    nung mga unang panahon, panatiko ako ng pbb, pero nitong mga huli, parang umeeksena na lang talaga yung iba para mapansin, wala na yung sincerity. dapat tigbakin na yan ng dos e 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *