ADVERTISEMENTS

Simula’t sapul gustong-gusto ko nang tumulong sa kahit napakasimpleng paraan. Yung paraan na kakayanin ko, kumbaga, basta posible at may oras naman ako, sige! Go tayo jan, tulong tayo jan.

Kaya nga nabuo ang Isang Minutong SMILE, para sa mga Kids na mas nangangailangan. Kaya nga may Ask Pinoy Bloggers para masagot ang mga tanong ng baguhang bloggers. Kumbaga kung ano ang maiseshare ko bigay lang ng bigay.

Sa bawat tanong nga ng iba, pilit kong sinasagot sa abot ng aking makakaya. Andiyan na nga ung ako pa ang mag-search sa google para lang may maisagot sa tanong nila na kung tutuusin pwede ko namang sabihing “I-Google mo! Kaya nga may internet eh!”

Kaso hindi, kadalasan isinasantabi ko yung mga bagay na makakasakit sa iba, bagkus ako na lang ang gagawa ng paraan para makatulong kahit papaano. Ang sarap kaya sa pakiramdam na ikaw ung pinagkatiwalaan nilang sumagot sa tanong na hindi nila masagot, diba?

Pero alam mo yun?, Hindi naman sa humihinge ako ng kapalit pero ung malaman na tama ba ung isinagot ko sa tanong nila, kung gumana ba ung solusyon na binigay ko, para naman sa susunod na may magtanong ng kaparehas ng tanong nila ay buong talino kong sasagutin dahil alam kong tama yun, na gumagana yun. Yun na lang sana, kaso ni “hi” o “hello”, wala nang reply!, Maisip man lang nila sanang ilang minuto o oras din ang inilaan ko para humanap ng isasagot sa tanong nila. Pero wala talaga. Tapos makikita mo na lang na ginawa nila ung isinagot mo sa tanong nila.

Sa tutuo lang ilang beses ko na itong naranasan, ilang beses ko na ring sinubukang ilabas dito kung ano ba yung nararamdaman ko sa tuwing sasagot ako sa tanong nila na walang kumpirmasyon kung nakatulong nga ba ako o mali ang mga isinagot ko.

Minsan tuloy iniisip ko, magdamot na lang kaya ako para di ko nararamdaman ‘to?

 

ADVERTISEMENTS