ADVERTISEMENTS

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan ang mga naglalabasang issue tungkol sa Human Trafficking, Illegal Recruiter o kung ano-anong gimik ng mga kapwa nating Filipino para lang makapanloko ng kapwa, pangakuan ng magandang sweldo sa ibang bansa, magandang trabaho at kung ano-ano pang matatamis na pangako, ngunit pasakit naman ang daratnan pagdating sa bansa ng mga banyaga.

Alam mo yun?…Ang saya-saya mong aalis ng Pinas, baon ang mga pag-asa na matupad ang mga pinangarap mo para sa iyong sarili, para sa iyong mga anak, magulang at mga kapatid. Minsan hindi ka pa nga magkandaugaga dahil sa sobrang dami mong iniisip na gagawin kapag nakaipon ka na dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa, Excited. Tapos bigla-bigla, pagdating mo sa gintong bansa, eto ka puro pasa, sugat, walang maipadalang pera sa Pinas at higit sa lahat hindi mo makausap ang pamilya mo na sana’y magbibigay lakas ng loob sayo para lumaban dahil hindi ka pinapayagang makipag-usap kahit kanino. Ang masaklap pa, kung uuwi kang nakaka-kahon.

Masisisi mo nga ba sila?…

Oo nga’t naloko sila, pero alam mo ba kung ano ang rason nila kung bakit tinatanggap nila ang pangakong trabaho sa ibang bansa?…Kahirapan, kawalan ng pag-asang may madudulot pang maganda para sa kanila ang kasalukuyang sistema ng ating bansa, at ang pag-asang maiaahon nila ang kanilang pamilya sa kaunting taon na pagsasakripisyo at pagtitiis sa ibang bansa na hindi kayang ibigay ng sarili nating bansa.

Nakakalungkot man isipin na marami na sa atin ang nakaranas ng mga panloloko ng ating kapwa, pero eto pa rin tayo, patuloy na yumayakap sa mga ganitong klase ng oportunidad. Nariyan pa rin ang maling sistema ng mga Ahensya ng ating Gobyerno patungkol sa paglabas ng mga Pinoy patungo sa ibang bansa.

Sabi nga ng iba, Hindi na natuto, o sadyang gipit lang at kailangang kumapit sa patalim.

Narito ang isang sample email mula sa isang banyaga na naghahanap ng trabahador mula sa ibang bansa tulad ng Pinas;

Good Day to yo, My name is <insert foreign name here> i live in <foreign country>,with my daughter, The reason why i contacted you is because i need a nanny ,driver and house maid for my house all to serve my daughter as i work in <foreign country> and do not return home until weekend , so i want this workers to handle my home and work together to enhance cordial relations ship within employees in my home.

According to fact , i heard people from your country are the best to handle this position , am willing to pay 2000 pounds each as salary and a 120 pounds weekly allowance .

Accommodation and feeding is free provided by me if you re interested in this offer contact my email with your applications and resume,my email is <insert email address here>. we can also chat on my yahoo im <ym account here>

Panigurado, Isa sa sampung tao na makakatanggap ng ganitong email ay magkakatinteres, susubukang magreply at magbabakasakaling ito na pagkakakataon nya at ng kanyang pamilya na umahon sa kahirapan.

Ikaw, ano kaya ang iyong magiging reaksyon kung ikaw ang makakatanggap ng ganitong email?

Narito ang isang kwento mula sa isang kaklase nuong high school. Human Trafficking Victim in Malaysia, Part 1, Part 2, Part 3, Part 4, Part 5

Nawa’y may matutunan tayo sa lahat ng kwento, istorya at balitang napapanuod natin bago tayo pumasok sa isang bagay na walang kasiguruhan

ADVERTISEMENTS