Maan Panganiban Dies

“Farewell to a dedicated sports journalist, a passionate athlete, and a good friend. You will be missed Maan Panganiban. Till the next game..”, Ito ang tweet ni GMA News correspondent Mark Sambrano nuong linggo.

Pumanaw na raw si Maan Panganiban, Former UP Fighting Maroon at UAAP Courtside Reporter sa sakit na cancer sa edad na 25.

Nakakalungkot mang isipin, pero sadya yatang ganun ang buhay. Hindi natin hawak kung? hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ibabaw.

Kahapon lang, pumanaw na rin ang bayaw ko, Asawa ng Ate ko. Hindi ko man masyadong ka-close ang Bayaw ko pero nung nakatanggap ako ng text message mula sa kapatid ko, mayroon akong lungkot na naramdaman. Oo, hindi ko sila madalas na nakakasama, pero isang napakabait na Asawa, Ama at Kaibigan ang Bayaw ko.

Yun nga lang, siguro nga oras na nya. At ngayon nga malamang nasa magandang lugar na sya, kasama si Bro.

Sayo Maan Panganiban at Kuya Joy, Alam ko patuloy kayong magbigay inspirasyon at maging gabay sa amin at sa mga mahal nyo sa buhay. May you rest in Peace…

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    may rason daw ang lahat kaya nangyayari ang bawat bagay, sigurado po na may maganda Syang plano para sa mga naiwan ng mga pumanaw

    condolence…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *