Tetris Battle

Naalala mo pa ba ang larong Tetris? Kung buhay ka na nung 1990’s malamang nalaro mo yan. Ito ay laro ng mga batang nangarap na maging Architect sa kanilang paglake. Kaso problema construction worker ang kinahantungan nila ngayon.

Oy! wag ka! naadik rin ako sa Tetris nung nauso yan pero hindi ako Construction Worker ngayon. Naalala ko pa habang papalapit si Manong Game & Watch sa school na pinapasukan ko nung elementary, eto kami at ang buong tropa sinasalubong si Manong Game & Watch para lang magrenta at maglaro ng Tetris. Pataasan pa nga ng score yan, ang matalo tagabuhat ng bag namin sa buong araw.

Pero nung dumating ang High School, kahit uso pa rin ang Tetris, halos di na ako naglalaro. Kung nasa bahay, oo, pero kung sa labas o nasa school, kahiya kaya!

Mahigit sa sampung taon na rin ang nakalipas mula nung huli kong laro ng Tetris. At ngayon parang uso na naman ata. Ang matindi, hindi lang mga bata ang naglalaro, halos pati yata mga College Students at mga may trabaho ay adik na sa larong ito.

Eh kasi naman, from Game Boy o Game & Watch na napunta sa mga celphone, nasaan na nga ba ang Tetris?…

Kung nahihilig ka sa Online Games, malamang alam mo na kung saan mo na malalaro ngayon ang Tetris. Yes! Sa internet, online pwede ka maglaro, meron na nga sa Facebook eh. Heto pa, gaya ng ibang games na pwedeng maglaban-laban ang mga players, ganito rin daw ang nauusong Tetris ngayon. Kahit pa magkalayo kayo ng kalaban mo, basta parehas kayong may internet, pwedeng-pwede!

 

Nagagawa nga naman ng Teknolohiya no?

Bago ka nga pala maglaro, google ka muna ng mga Tips, Cheats, Strategies para siguradong panalo ka.

Oh Game! Pustahan!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    hahaha.. hindi ako tambay sa mga games ng FB pero thanks to this, ngayon alam ko na kung ano kinaadikan ng mga kabarkada ko ngayon sa FB.. LOL

    ngayon ko lang nalaman, may tetris pala sa gameboy, akala ko sa Brick Game lang meron nun.. :p

  2. says

    akala ko noon, pag bata, brick game, pag tumanda na brief game na dapat. LOL ahahah nakalaro din ako nyang game and watch dati, at syempre pati yung ganyang gameboy, adik ako dyan eh.heheh

  3. says

    High School na ako nang magkaroon ng tetris. Game & Watch at Atari ang laruan namin nung elementary. I therefore conclude, di hamak na mas matanda ako sa yo. Hehehe… Di ko pa nasubukan ang Tetris sa FB. Pero malamang pagmarunong na gumamit ng PCang mga bulilits ko eh maglalaro rin sila nyang Tetris.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *