Isa sa pinakaimportanteng Ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas ang Embahada na matatagpuan sa kahit saang panig ng mundo na may mga Filipino. Sila ang nagiging gabay o bantay ng mga Filipino sa ibang bansa, upang kahit papaano’y maging ligtas ang bawat OFW.
Sa halos walong na taon kong narito sa Palau, Minsan na rin akong nakapunta sa Philippine Embassy, ito ay nuong maexpired ang passport ko. Oo nga’t sistema ng Pilipinas pa rin ang pinapairal nila sa Embahada, may mga kaunting kang mairereklamo, pero kung susumahin, mas marami ang magandang gawa kaysa hindi. Tulad na lang ng pagrerenew ng passport, di mo na kailangan pumila o magpaschedule para lang maghintay ng ilang buwan bago makapagparenew ng passport. Kaunting pirma dito, pirma duon, balik ka makalipas ang isang buwan, bago na ang passport mo.
Sa minsan pagpunta ko sa Embahada, dito ko rin nakita ang mga Kababayan nating minaltrato ng kani-kanilang amo. Sila yung mga Kababayan natin nakahanap ng paraan upang makatakas sa kanilang amo at magsumbong sa Embahada. Dahil sa tutuo lang, at sa pagkakaalam ko, Embahada lamang ang makakatulong sa kanila, ito lang ang makakapagbigay proteksyon sa kanila laban sa malulupit nilang amo, at ito lang ang magbibigay pag-asa sa kanila upang makabalik ng Pilipinas at makasamang muli ang kanilang pamilya. Kumbaga, sa Embahada lang sila ligtas sa kapahamakan.
Pero, sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana. Nitong nakaraang araw may mga lumabas na balita na kasama ang Palau sa labindalawang bansa na tatanggalan ng Embahada sa kadahilanang kulang sa pondo ang ating Gobyerno.
Sa tutuo lang, napakasamang balita ito para sa mahigit apat na libong Filipinong umaasa sa tulong ng ating Embahada. Paano na lang ang mga Kababayan nating minalas at napunta sa mapagmaltratong amo? Saan na sila ngayon pupunta? Saan sila hihingi ng tulong?
Paano na kaming mga maiiwan?
Sana lang umabot ang blog post na ito sa kinauukulan pati na rin ang petisyon na ginagawa ngayon ng The Filipino Community na mapigilan pa ang pag-alis ng Embahada ng Pilipinas dito sa Palau.
Andito po ang Petisyon at mga pirmang nakalap ng The Filipino Community dito sa Palau mula sa mga OFW. PETITION LETTER AND SIGNATURES. Umasa po kayong madaragdagan pa ang mga pirma mula sa ating mga Kababayan.
Related posts:

oo nga, grabe naman to.. panu na lng kung may naabusong pilipino dun.. wala na silang maggagawa kung walang magtatangol sa knila..
Roi recently posted..Tips to Increase Blog and Website Traffic ( VIEWS )
sana naman eh magawan na agad ng paraan ng Embahada o magkaroon ng mas malinaw na paliwanag tungkol dito
kiko recently posted..lumang polo ng ala-ala
nakakatakot at nakakalungkot kung masasarado nga. parang mawawalan ng kakapitan ang mga ofw na minamaltrato ng mga amo nila. tsk. sana nga wag matuloy na mangyari yan.. ipagdasal na lang natin.
ay paano na kayo? sana magawan pa ng paraan, saan na kayo hihingi ng tulong kong sakali? nkaka sad naman..:(
mommyRazz recently posted..Isang taon na ang ‘welcome to my world’
wawa namn. bat ganon? hala sana maayos po yan ng gobyerno.
sana maayos yan, kawawa naman.
dong salvar recently posted..A WOODY That Not-so-Wooden-Made
hindi ata tamang dahilan na walang pondo kaya aalisin ang embahada sa 12 bansa, paano na kayong mga kababayan natin pag nagkaron ng aberya, sana hindi matuloy ang balitang iyan, ilapit ninyo ke VP Binay
joy recently posted..Notepad Corner’s Author Birthday Bash Giveaway
Lagi namang idinadahilan ‘yang walang budget. Bayad nga tayo nang bayad ng taxes, mga fees at kung anu-anong pautot ng gobyerno tapos wala pa ring budget. Bakit? Ano ba ang nangyayari sa pondo ng gobyerno?
Ishmael Ahab recently posted..The Old Church of Danao City