Newest Department of Tourism?s Slogan

It’s more fun in the Philippines” ang bagong Slogan ng DOT o Department of Tourism.? Sabi pa sa mismong DOT Website, “Wherever you go in the Philippines, it?s the Filipinos that will make your holiday unforgettable.”

Nakakatuwa no? Halos nuong nakaraang taon lang ay isang napakalakeng isyu ang kung ano nga ba ang magandang slogan para sa Pilipinas, at ngayon, makalipas ang ilang buwan, nakabuo din sila. Sana nga lang isa ito sa maging dahilan upang maging maganda sa paningin ng ibang lahe ang bansang Pilipinas.

Ganun pa man, bilang isang OFW na narito sa ibang bansa. Masasabi kong walang katulad ang Pilipinas pagdating sa kagandahan ng mga lugar at ng mga tao. Oo nga’t maraming masasamang balita ang naglalabasan, patayan, nakawan at kung ano-ano pang karumal-dumal na krimen, masasabi pa rin nating mas lamang ang kabutihan at kagandahan na makikita sa Pilipinas.

Walang katulad ang Pilipinas pagdating sa Kasiyahang dulot nito sa mga tao.

Kaya nga eto, homesick na naman 🙁 …

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Sana naman ay huwag lang sa slogan magkasya ang DOT. Gumawadin sana sila ng paraan para ayusin yung tourism infrastructure ng bansa. Yung simpleng pagsasaayos ng transportation ng bansa ay malaking tulong nasa pagasenso ng turismo sa Pilipinas.

  2. says

    ai nahomesick din ako 🙁 ansarap lang kasi talagang magga-gala sa pinas, sobrang ganda hay, di bale, lapit na ang bakasyon 🙂

    sana makapunta din kme ng palau, parang once a week lang pala ang flight going there from Pinas no? inaral ko kasi sya dati. pero di kasi kami sure kung mura lang po talaga pagdating dyan?

    • LordCM says

      twice a week n ngayon, tuesday and friday. ok rin lang naman ang gastusin dito, mahal kasi dollars…Hotel mga $70-$100 per night, sa resto $6-$10 kada pagkain, depende pa sa restaurant, may mga mahal talga. Transpo,taxi lang meron, karamihan may sariling sasakyan. o kapag turista, rent a car, $35-$80 depende sa klase…

      ayan 😀 sana nakatulong, pm lang pre kung may tanong ka tungkol palau.

  3. says

    the first time i heard/read it from naisip ko agad na may double meaning,what is more fun in the Phils. ba? i hope hindi lang sila hanggang slogan at publicity.sa dami ng problema ng bansa tapos may travel advisory pa ang US tkot pa rin ang tourist na tumapak sa bansa natin. sa airport pa lang bago ka makaalis dami ng buwaya ,sa labas naman taxi ,mga pulis ,holdaper nag aabang ,sa hotel,mismong staff sasalisihan ka.

  4. says

    gusto gusto ko tlaga ung new slogan nila.. kase dame mo pde dugtungan hahah kya masayang sabihin..

    blah blah is more fun in the philippines!
    mga gnun

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *