Maghapong Pressured…

Nang dahil sa Ramgen – Janelle issue na yan, mula kaninang umaga hanggang sa mag-uwian halos natataranta ako dahil baka biglang magdown ang blog kong ito.

Madaling araw pa lang may email message na ang host ko sa akin, malapit na raw mag-exceed ang bandwidth ko. Ang bandwidth ng isang site o blog ay nagdedepende sa traffic o bisita ng iyong pahina, sa files na niloload nito kada may magbukas ng site mo.

Dahil sa blogpost ko tungkol kina Ramgen at Janelle na wala namang video o kahit anong scandal, ang tutuo pagbibigay lamang respeto sa kanilang pamilya ang laman ng blogpost, pinutakte ng mga mahihilig ang blogpost ko na iyon.

Kaya mula kaninang madaling araw, 80% ng bandwidth na bigay sa akin ng host ko ay nagamit na, at bago dumating ang pananghalian ay umabot na ito ng 90%. Oo nga’t dapat akong matuwa dahil sa traffic na nakukuha ng pahina ko, pero kapag nag-exceed ako sa bandwidth malamang magsara ang pahina ko hanggang sa matapos ang buwan ng Enero.

Sa tulong ng mga kakilala sa Facebook Bloggers Group, maraming suhestiyon ang lumabas, marami akong natutunan, at higit sa muli ko na namang napatunayan na may mga blogerong handang tumulong kapag kinakailangan.

Sa paglipas ng maghapon na puno ng tensyon, napakiusapan ko rin ang host ko na iextend muna pansamantala ang bandwidth ko, mabait sila dahil pumayag at ngayon medyo kumportable na ako…Pwede nang matulog nang mahimbing.

Ang inaalala ko na lang ngayon, ano kaya ang nasa isip ng mga nakabasa ng blogpost ko tungkol kina Ramgen at Janelle? Gusto mo basahin? Click mo to!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    buti na lng at hbang maaga ay nagawan m0 ng paraan…

    bsta tlga pagdating s mga ganyan usapin na scandal,daming mga putakti nakikiusyoso 🙂

    mgandang araw parekoy!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *