antayTOLD Series 0015

~REPOST~

Pinilit kong
paniwalain ang sarili ko
na lahat ng sinabi mo’y tutuo….

Dahil sa tutuo lang
ang sarap pakinggan
kapag galing sayo….

Kahit alam kong
ginagawa mo lang to
para pasayahin ako….

Kahit alam kong
ginagawa mo to
dahil alam mong
may nararamdaman ako
para sayo…

Pero ngayong wala ka na,
nasaan mga pangako
nung tayo’y magkasama pa…

Para lang isang panaginip
maglalaho sa oras ng paggising

Paano ko pa paniniwalain
ang sarili ko na ika’y tutuo…
na mahal mo nga ako…

 


pahabol : wala po itong kinalaman sa kahit anong personal na bagay tungkol sa akin at sa mga nakapaligid..ginawa ko lang yan para palipasin ang isang nakabibinging katahimikan ng gabi sa loob ng aking silid…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. DETH says

    aba at baket hindi namin namalayan ang isang tula/antaytold na ito na napublish dito sa kuta mo…ahahaha

    maganda CM…nakz talentado ka talaga:P

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *