Ako Naman!

Halos tatlong buwan o mahigit ang ginugol ko, ng mga volunteers, ng mga donors at ng lahat ng sumusuporta sa Project SMILE. Ngayon halos patapos na ang taon, at natapos na rin na matagumpay ang lahat ng proyekto ngayong taon. Proyektong sa tingin ko’y sapat na para kahit Isang Minuto mapangiti ko ang ilan sa ating mga Kababayan, lalo na yung mga mas nangangailangan sa tulong ng mga taong handang sumuporta sa abot ng kanilang makakaya.

Minsan iniisip ko, tama nga ba ang ginagawa ko? Isipin ang ibang tao na mapangiti habang ako may sariling problema, gayun din ang mga taong nakapaligid sa akin. Pero hindi, tama lang siguro lahat, kasi sa tutuo lang, higit pa sa Isang Minuto ang ngiti ko kapag nasisilayan ko ang mga ngiti ng bawat batang nabibiyayaan ng Project SMILE.

Siguro nga may mali, pero hindi sa Project SMILE, siguro nasa akin…

Ngayong natapos na ang Project SMILE 2011 ng matagumpay, panahon na siguro para sarili ko naman asikasuhin ko. Itama ung nakikita kong mali sa akin, mga mali sa mga ginagawa ko, ng sa gayun hindi lamang sa panlabas kong kaanyuan makikita ng iba ang aking ngiti, malay mo balang araw maramdaman mo na at mapangiti din kita.

Bilang pagsisimula, vote nyo naman ako sa TABA 2011. Para ako naman ang bigyan ng award, kayo na lang lage eh!

Para bumoto, Click mo to!

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *