ZERO POST?!!!

Nakasanayan ko na pagkabukas ng PC ay tinitingnan ko agad ung dashboard ng blog ko para i-check kung may new comments at kung sino-sino ang mga naging bisita ko habang ako’y nasa kasarapan ng pagtulog, at alam mo ba kung ano ang nakita ko? Eto!!!


0 Posts

 

Oo, ubos ang blogpost ko, deleted?, corrupted?, ewan! di ko alam kung saan napunta…Ano gagawin? huhuhu, wala pa akong ginawa nung una kong nakita, medyo natulala at walang maisip na gagawin. Ikaw ba naman mawalan ng blogpost na tatlong taon mong isinulat at bigla na lamang maglalaho, ano gagawin mo? ano iisipin mo?

Buti na lang nagring ang phone at medyo nahimasmasan ako…

Clear Recent History…Cache…Cookies…Active Logins…Site Preference…Clear Now!

Sabay restart ng PC, at login sa dashboard…Ayun!

 

Biruin mo yan? 400+ blogpost ang bigla na lamang maglalaho ng wala akong kalaban-laban, at ang huling backup ko eh last month pa ata…

Edi yan! Napilitang mag-backup sa sobrang kaba…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Nakakatakot naman :p I experienced na nadelete ang blog ko. It happened when I visited many blog pages. Buti naman at binalik ni Google. Nakakakaba nga. Di pa naman naka-host blog ko now.

    I think kelangan ko ng magmove. 😛

  2. says

    Hala! Grabe baka kung sa akin ngyari yan ngpanic ako.. 😀 buti naman at bumalik din! kaya lesson yan, dapat mag back up at least once a week.. 😀

  3. says

    wahhh that’s really devastating, siguro same ang reaction natin kapag nangyari sa mga blogs ko. pero good thing na-recover mo. naku parang kailangang mapadalas na ata ang back up ko a.

  4. says

    im back!hehe

    anyway..nakakakaba nga yung ganyan yung akin nga di ko mabuksan yung blog ko as in super problemado ako buti na lang nagawan ko rin ng paraan hehehe

  5. says

    eh kahit naman cguro akoh magwawala pag nagkataon.. pero kuya pansin koh di ka na tlgah nag-eentry na parang nagkukuwento lang.. ‘la lang… ingatz… Godbless!

  6. says

    whew, ayos na panghallooween yong post mo ah, bro… pero, anyway kailangan talaga laging may back-up…atleast kung mangyari man ang nangyari sa yo ay half-half lang ang nerbiyos at kaba, lol… magandang paala-ala e2… thanx…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *