May Sistema Ba?!

 

corrupt system

Alam mo yun? May dalawang empleyado na uminom ng coke in can sa pag-aakalang libre ito at pameryenda dahil sa walang humpay na pagtatrabaho ay iteterminate ng wala man lang warning o kahit anong konsiderasyon man lang. Umuwi ng pinas ang dalawa ng walang kasiguruhan kung may ipapakain pa sila sa kanilang pamilya.

At ngayon may isang empleyado na kung manira ng kapwa Pinoy ay ganun-ganun na lamang makuha lang ang inaasam na posisyon, na gumawa ng ilegal na transaksyon na umaabot ng daang-daan dolyar at may ebidensya pa, na ilang beses ng nalaman ng mga nasa taas ay eto, pagbabayarin lang at patuloy na magtatrabaho?!

May sistema ba?

Nuong nakaraang mga buwan, nakatanggap ng memo ang isang empleyado dahil sa pagtanggap ng bisita sa kanyang kwarto, na nagsasabing kailangan nyang magbayad ng ganitong halaga bilang penalty. Ni warning o paalala man lang na bina-violate nya ang isang rules o policy ay wala, bigla-bigla, penalty!

Sumunod, halos nagkagulo ang mga empleyado dahil may isang bisita na hindi kilala ang bigla na lang lumabas sa isang barracks na may dalang bag. Ni-report ito ng mahigit sampung empleyado sa opisina upang maimbistigahan at mabigyan aksyon gaya ng ginawa nila sa naunang empleyado na na-penalty dahil sa pagtanggap ng bisita. Ngunit wala!…Oo, walang nangyari! at ang mga nagreport pa ang napasama sa tingin ng iba

At ngayon, may isa na namang empleyado ang tumanggap ng bisita, nakatanggap ng memo mula sa opisina na pinapaalalahan syang kapag ito’y naulit, mapepenalty sya.

May sistema ba?

Meron naman, di ko lang siguro makita.

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    May sistema pero parang wala……. parang walang sistema pero parang meron naman, ang gulo!! hehehe Yan ang sistema nila, magulo talaga. Nakakatanda lang pag-iisipin mo yan, dapat sumunod na lang sa sistema na merong wala, hahaha gulo ko no. Dahil kung wala kang susundin, malamang magkakaron na lang bigla ng sistema at yun ang paalisin ka, hehehe. Musta na?

  2. animus says

    hi LordCM,
    tsk..tsk…WALANG SISTEMA ang aking sagot sa iyong tanong. pero relax lang LordCM, baka nga naman MERON at di lang pala ito makita. 🙂

    magandang araw!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *