At Ipinakikilala…

Oo, ngayon ko lang sila ipakikilala sa publiko. Kahit na kilala na sila ng iba, gusto ko pa rin silang ipakilala, ipakilalang akin sila, pag-aari ko sila, ginawa ko para sa akin, para sa inyo, at para sa lahat ng may gusto…

Pinoy Link Exchange

Ito ang Personal Blogroll ko na pwede nyo rin namang maging blogroll kung gugustuhin nyo. Makikita sa pahinang ito ang mga blogs ng mga Pinoy sa iba’t-ibang kategorya, maaari nyo itong bisitahin at idagdag ang inyong blogs kung inyong nanaisin. Maaari nyo rin itong bisitahin kung gusto nyong makilala ang iba pang Pinoy Bloggers.

 

 

Ask Pinoy Bloggers

Ito naman ang nag-iisang english-tagalog blog ko, Question and Answer ang makikita mo dyan, basta tungkol sa blogging, mababasa mo jan. Maaari kang bumisita at magtanong o kaya nama’y sumagot sa mga katanungan ng iba. Tulong na rin ito para sa mga baguhan sa mundo ng blogosperyo.

ASK! SHARE! LEARN!

 

Isang Minutong SMILE

Malamang ito alam nyo na! at kung hindi pa, ang Isang Minutong SMILE ay isang adbokasiya na may layuning magpangiti ng iba sa kahit napakasimpleng paraan. Nagpapangiti ang Isang Minutong SMILE sa tulong na rin ng mga blogero, kakilala at kaibigan na handang magbigay Ngiti sa mas nangangailangan.

 

 

from the dungeOn

Ito?! Hindi na kailangan lolzz, ang blog na walang kakwenta-kwenta! Nasa bandang kanan ang mga previous post, click mo na lang kung gusto mong makilala ang from the dungeOn.

 

 

 

Ayan!Naipakilala ko rin sila. Makikita nyo rin sila sa sidebar ko kung sakaling makalimutan nyo ang url address. Asahan kong bibisitahin nyo rin sila gaya ng pagbisita nyo dito sa walang kwentang blog ko…

Click nyo lang ung image at mapupunta kayo sa mismong pahina.

Salamat ng marami sa mga mambababasa ng blog ng ito, kung meron man.

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *