Salamat, Uncle Google

Minsan na nga lang ako sulatan ni Uncle Google, inabot pa ng siyam-siyam! Oh, pangalawang beses na pala, yung una ung PIN at ngayon nga ung regalo nya sa akin.

Aug 25, nung sinabi nyang pinadala nya na ung regalo nya sa akin. At dahil nasa Palau ako, asahan na ang mabagal na byahe ng kahit anong bagay. Sabihin na nating 4 weeks ang maximum na hihintayin ko bago dumating ang inaasahan ko, Habang ung mga nasa Pinas, kapag sinabing Aug 25 narelease na ung regalo nila, kinabukasan lang o sa mismong araw pwede na nilang kunin sa Western Union.

Di nga ako nagkamali, lumagpas pa nga ng 4 weeks eh, Aug 25 narelease, Oct 3 ko na natanggap, Ikaw na ang nasa Palau! Pero wag ka, Ang saya ng pakiramdam, nagbunga lang naman ang lahat ng paghihirap. Kaya kaninang umaga dali-dali akong pumunta ng banko para ideposito. At tulad ng nasa taas, magbibilang uli ako ng araw bago tuluyang maging ganap na regalo nga ang lahat. Pero sabi ko, this time 2 to 4 days na lang ang paghihintay. Anak ng!, kailangan ko raw maghintay ng 13 working days at itse-check pa nila kung may pondo nga ba talaga ung idedeposito ko!

Biruin mo yun, Ilang taon, ilang buwan kong pinaghirapan, tapos napakaliit na halaga lang, Isang buwan kong hinintay na mapasa-akin, at ngayon kulang-kulang dalawang linggo pa bago ko makapiling!

Ang saklap lang ng buhay. Pero ok na rin, may pambili na ako ng new shoes o kaya new pants, pwede ring shirt. Salamat Uncle Google 🙂

Kahit Bastos si Uncle Google, mabait pa rin sya kahit minsan.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    ayun oh! may reward na! congrats master! nag email na rin ba sa’yo si Uncle na pwede na niyang ipadala sa iyo using Western Union?

  2. says

    Congrats. Tuloy tuloy na yan, madali na next time. At tsaka masarap ang regalo kapag galng online. at least me maaani tayo pagdating ng araw. dagdagan mo pa ang mga content mo.

  3. says

    waaaaaaaahhhhhhhhhh! kainggit. hahah bilis mo naman sir CM. 😀 buti ka pa. heheh ako nga wala pa, kahit yung pin man lang. XD ano pa ba iba mong blogs sir?

  4. says

    Mabait naman talaga si uncle google, medyo strict lang talaga at moody! Hehehe! Congratz, parekoy! ‘Di kana ma reach, hehehe! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *