While watching ‘With Love, Gary Valenciano’

Langyang marcelito to! sana ganun ako kagaling umanta, kaso wala, walang kwenta…Yun lang, anghang ng pinagsamang century tuna at skyflakes, sabay inom ng red horse…Unlike ko kaya ang Philippine TV Ratings na FB Fan Page. Yeah, ganda na ni Angeline, dati ang taba!Dagdag skyflakes at masyado maanghang lolzz…

Papagupit ba ako bukas?…Ayun oh, bumabalik ung college days, gin, yosi, banda, concert, magkalat sa session road, at maghanap ng gulo kahit kabado, ASTIG lang!…Aahhh, sarap talaga ng red horse, pero namimiss ko ang red horse na nakabote….May bagong entry ba sa SMILE Quotes Contest? Asa ka pa! hehehe, isang oras na nakaraan nung huling may bumisita sa Isang Minutong SMILE Site, ang kulit lang nitong pc ko log in na naman sa Isang Minutong SMILE dashboard…wala pa ring kupas mga kanta ni Gary V.

Nawawala, bumabalik, eto na naman, ayun oh kumakanta pa! lolzz, waiting pa rin ang Isang Minutong SMILE Dashboard…Ayun, kagabi pa ung huling comment. Eto ang idol ko, si Aiza Seguerra, tama ba spelling? basta sya yun, galing ng boses…

Ipopost ko ba to?, Sandali, kuha munang red horse…

Publish!

 


Ano? May nakuha kang aral o pakikinabangan man lang? Hehehe, syempre wala. Utak yan ng OFW na nag-iinom ng red horse mag-isa sa kwadradong kahoy na nilagyan ng kama at kung ano ano. Masanay ka na!

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *