Salamat kay Uncle Google

Isang linggo na mahigit ang lumipas bago ang huling blog post ko, at hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na maaaring isulat kaya pati walang kwentang post na tulad nito papatulan ko.

Sa lahat ng blog ko hindi nawawala ang feedjit, kung saan nakikita ko kung sino-sino ang mga bumibisita sa blog ko. Sa feedjit na yata ako umaasa para malaman kung saan nanggagaling ang mga bisita ko. Sa lumipas na ilang araw na wala akong blog post, mas madalas ko pang buksan ang feedjit ko kaysa sa mismong blog ko. Kaya eto, may napuna ako.

Kahit pala ilang araw akong walang blog post, hindi nawawala ang bisita sa blog. Karamihan sa kanila nanggagaling sa kay Uncle Google, mga surfer na naghahanap ng kung kung ano-ano at bumabagsak sa mga blog post kong hindi ko alam kung may kwenta at di ko alam kung may napulot sila at nasagot man lang ang tanong nila kay Uncle Google.

from the dungeon feedjit

from the dungeon feedjit

Ayan oh, nito lang yang nakaraang limang oras. Halos hindi lilipas ang isang oras na walang bisita ang blog ko at karamihan nanggagaling kay Uncle Google…Kaya eto, lakeng pasalamat ko kay Uncle Google at kung hindi dahil sa kanya wala akong post ngayon at malamang puro agiw na ang blog ko.

Kaya sayo Uncle Google, Salamat ng marami!

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      ay oo, paborito ni google ung klase ng blog mo 🙂

      pero dami ko rin natutunan sa blog mo nung minsan nagbrowse ako dun 🙂

  1. says

    Magaling talaga master ang bots ng google lalo na kapag pasok na pasok sa search engine ang content ng blog mo. Mas maigi rin na update mo rin palagi dahil may mga ungas din na nakamatyag at gagayahin ang search engine keys mo at dahil sila ang mas latest sila ang front ng google, kelangan mo ring lagyan master ng google+ button para mas lalong maging active ito.

    • LordCM says

      kaso pre minsan talaga walang maisulat eh, magkaruon man, tulad nito walang kwenta! :))

      may google+ na ako kada post, hanap ko ung google+ nila itong buong blog, ewan ko kung meron 😀

    • LordCM says

      Gandang araw pre! 🙂 … kaya nga pre, lakeng pasalamat ko ky Uncle Google, kung di dahil sa kanya malamang alikabok na tong blog ko lolzz

  2. says

    Ako din nakakarelate kasi nakabookmarked ang feedjit at hindi ang blog mismo hehhe. Puede mo din lagyan ng statcounter, makikita mo dun visitor path mo pati countries, pages visited, if nagclick sa adsense etc.. pretty useful if like mo to keep track lagi sa site data hehe

  3. says

    Wow! Malaking utang na loob yan kay Uncle Google ahahah!

    Anyway, sa blog ko naman, napapansin ko, unti-unti rin akong binibiyayaan ni Uncle Google.

    Eh, alam mo ba kung anong artikulo pre? Yung Price Tag! A hahahaha

    Kaya heto pinili ko ngayon sa Commentluv ko ahahahah

  4. says

    kaya nakakatuwa talaga ang feedjit.. kasi namomonitor mo dynamically kung sinu-sino ang nagpupunta at naliligaw sa blog mo.. tapos nakikita mo sila that they are coming from google… ang saya nun! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *