May Blogroll na Ako!!!

Mahigit dalawang taon din akong nasa blogspot dot com bago ko naisipan lumipat ng wordpress dot org. Nag-aalangan kasi ako dahil wala akong makita na blogger sa wordpress na may blogroll na tulad ng makikita natin sa mga naka-blogspot. Yung blogroll na naroon lahat ng links ng kaibigan mo sa blogosphere, na tuwin may bago silang blog post ay malalaman mo agad dahil nga sa blogroll widget ng blogspot dot com.

Ganun pa man, lumipat pa rin ako ng wordpress dot org sa pagbabakasakaling magawan ko ng paraan na magkaruon ng blogroll sa sidebar. Pero wala! Wala akong makitang widget o plugin para dito, meron man, ngunit hindi katulad ng nasa blogspot na nasosort sya by latest update.

Hindi ako tumigil kakaisip ng paraan hanggang sa maisipan kong gumawa sa blogspot ng sariling blogroll. Na pwede nyo ring maging blogroll, at syempre magiging blogroll na rin ng lahat. O diba? Hindi lang ako ang makikinabang, kundi pati kayo na rin. Sabi nga ng isang blogger, “Ang Blog na walang blogroll ay parang Taong walang kaibigan“.

 

Pinoy Link Exchange
Pinoy Link Exchange

Iniimbitahan ko kayo na bumisita sa aking blogroll, na pwede nyo ring maging blogroll kung gugustuhin nyo. Halika, samahan mo ako sa Pinoy Link Exchange, at bisitahin natin ang mga blogger na kaparehas ng interes natin. Mapa-personal man yan, o photoblog, o kaya nama’y tungkol sa fashion o entertainment, mamili ka na lang.

At kung gusto mong makasama sa blogroll ko, ilagay mo lang ang badge ng Pinoy Link Exchange sa iyong blog at fill-up mo ung form na makikita sa Pinoy Link Exchange site at ako nang bahalang mag-add ng link mo sa blogroll ko.

Kita-kits mga KaBlogs!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    magandang gabi sa inyo sir.. musta na po.. ayos na, mabuti at may blogroll ka na.. kaya din ayaw kong lumipat sa WP dahil jan.

    congrats naman sir.. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *