Ang Facebook, Bow!

facebook dislikeMay bago na namang updates ang facebook, kakahilo lang. Pero konting explore at click lang naman at panigurado matatanggap mo rin ang mga pagbabago. Oo, Para sa akin, kailangan mong tanggapin ung mga pagbabago sa Facebook, kasi kung hindi, malamang balikan mo ang nakaraan at mapag-iwanan ka.

Sabi nga nila, Isa ang Facebook sa patunay na walang permanente sa mundo, Hindi mo kailangang sanayin ang sarili mo sa isang bagay na alam mo namang hindi mo kayang bitawan kapag dumating ang panahong ito’y lilisan na.

Ang tutuo, ang Facebook ay para lang pang araw-araw nating buhay.

Sandali…di ka ba nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng updates ni Facebook nitong nakaraang araw at mga linggo eh wala pa rin ung DISLIKE button na madalas hilingin ng karamihan? Ako naiintindihan ko si Kuya Mark Zuckerberg kung bakit hanggang ngayon wala pa ring DISLIKE Button sa Facebook. Simple lang naman eh, “Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang!”, diba?

Maraming paraan kung paano mo masasabi sa isang tao na may ayaw ka sa kanya, yung paraang hindi sya masasaktan, hindi magbubunga ng pag-aaway o hindi pagkakaintindihan. At hindi siguro sa paraang “AYAW KITA!”…

Minsan…Oh, kadalasan pala, kailangan lang nating tanggapin ang mga bagay na nagbabago sa ating buhay dahil itong mga bagay na ito ang nagbibigay aral sa atin, isa ito sa mga paraan Nya upang maiparating kung ano man ang mga gusto Nyang sabihin.

Kailangan mo lang makinig bago magreklamo.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Hmm.. sa akin, walang problema yung changes sa Facebook. I welcomed it. Change is constant.. We can’t expect Facebook to remain as it is since merong threat nearby. 🙂

    Anyway, daming haters and Facebook ngayon.. pero ayun, ginagamit pa rin naman nila. funny.. harhar.. :p

  2. says

    at dahil block ang FB dito sa office eh hindi ako aware jan…

    pero tama ka Sir CM.. palong palo ang punto.. hindi na kailangan pang magsalita kung hindi rin lang maganda ang sasabihin. Pero sa hindi lahat ng pagkakataon, at maaring sabihin sa pagitan ng lang ng dalawang tao. Wag ng ibandera pa.. 🙂

    magandang araw po 🙂

  3. says

    very well said then! tama nga, kung walang magandang sasabihin, manahimik nalang. di na kailangan mag dislike pa or whatever para lang ipaalam na hindi mo gusto ang post/picture or whatever again! hahaha! ^_^

    everything change..

  4. says

    Oo nga. Pagkagulat at pagkalito ang naramdaman ko kanina nang makita ko bagong itsura ng FB. Para sa akin sana huwag na gawin complicado para naman di na mahirapan pa mga users at mag enjoy na lang. Lalong lalo na mula sa bata at matanda ang gumagamit. But sabi nga there is nothing permanent but change…

  5. says

    Agree ako sa iyo kuya Cm.. Ang dislike button ay magdudulot lang ng mga away at ng iba pang gulo. Pag di mo gusto, edi lakdawan mo lang..
    Peace on earth.. 🙂 ahihihihi ^_^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *