Walong Taon…

Dalawang buwan mula ngayon, walong taon na akong nagtatrabaho sa isla ng Palau. Walong taon na ang buong akala ko’y napakabilis lamang, Walong taon na kung iisipin ay parang dumaan lang. Pero hindi…Akala ko lang ang lahat…

Ang dami na palang nawala. Ilang taon na rin ang nawala na dapat sana’y umaakyat ako ng stage kasama ang matatalino kong anak para sabitan sila ng medalya.

Ilang buwan na rin ang nawala na dapat sana’y kasama ko silang kumakain sa Jollibee o McDo.

Ilang linggo na rin ang nawala na dapat sana’y sabay sabay kaming nanunuod ng isang magandang pelikula.

Ilang araw na rin pala ang nawala na dapat sana’y ako ang naghahatid sa kanila sa iskul.

Ilang oras pa ba kaya ang mawawala na sana’y kapiling ko sila? Ilang minuto pa? At ilang segundo?

Nakakapanghinayang lang na sa loob ng walong taon, walong taon na rin akong nagseselebreyt ng bertdey kong wala sila sa tabi ko. Next month bertdey ko na naman…

Walong taon na rin pala ang nakaraan na hindi ko sila kasama kapag dumarating ang araw ng Pasko.? Walong taon na nag-iisa kapag araw ng mga puso…Walong taon na di ko sila kasama sa lahat ng espesyal na araw…

At ngayon panibagong dalawang taong kontrata mula sa aking kumpanya…

Di bale, para sa kanila naman ang lahat ng ito…Pasasaan bat makakasama ko rin sila…ng higit pa sa walong taon..

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. animus says

    ganyan yata ang sentimyento ng mga kagaya nating ofw–ang mga nawalang panahon kasama ng ating pamilya sa Pinas…pero knowing na para sa ikakabuti naman nila ito, handa tayong magsakripisyo..i must also say, i will be forever grateful na nabigyan ako ng opportunity na makapag-trabaho sa ibang bansa…natupad ang mga dating pinapangarap ko lang para sa aking pamilya! 🙂

    cheer up na LordCM! di ka nag-iisa sa iyong pakikibaka..hehe…(ahead ka lng ng 2 years sa akin, pang 6 years ko sa Nov)..Happy 8th year in Palau! Advance Happy Birthday too!

    • LordCM says

      Balewala naman ung mga taon ng sakripisyo eh basta para sa kanila…ang talagang nakakapanghinayang lang ay yung nawalang panahon na dapat sanay kasama sila…pero tulad mo, masaya ako dahil kumakain ng sapat ang pamilya ko ng dahil sa pagtatrabaho ko sa ibang bansa…

      Salamat sa pagbati 🙂

    • LordCM says

      oo, tagal na rin…pero kada dalawang taon nauwi naman ako, 4 na linggong bakasyon sa mahigit dalawang taong pagkawala 🙁

  2. says

    *sigh* di madali mawalay sa pamilya…devaleh hopefully pretty soon magkasama sama na po kau nang tuloy tuloy… *hugz*… bday moh?… advance happy birthday!… Godbless! =)

  3. says

    Binigyan ko ng limit ang sarili ko na bago ako magkapamilya e sisiguraduhin kong hindi na ako magaabroad.. Pero tingin ko sa hirap ng buhay sa pinas eto lang talagang magiging paraan para maging maganda ang kinabukasan ng magiging pamilya ko.. haysssssssssss.. Nakakalungkot sir CM pero ganun talaga!

    Darating din yung araw na yun sir. God bless.

    • LordCM says

      yun nga poldo eh…gustuhin ko mang umuwi at manatili sa pinas, baka di kayanin ung gastusin sa sobrang liit ng kikitain dun…

    • LordCM says

      ganitong comment parekoy ung napakaiksi pero alam mong galing sa puso ung pagkakasabi ay nakakaiyak na 😀

      salamat parekoy 🙂

  4. says

    matagal ka na rin pala jan bro… yung mga binanggit mo na di mo nagagawa with your family ay yan ang pumipigil sa kin to work abroad… pero bilib ako sa mga katulad mo.

    • LordCM says

      sana nga lang nagpapigil na rin lang ako nuon…pero ganun pa man, masaya ako sa estado ng buhay ko at buhay ng mga mahal ko sa buhay

  5. says

    I agree to what you said, there will come the time that you will be with your family even longer than the time you have spent away from them. Good luck to you. 🙂

  6. says

    Wow boss, mag-i-isang dekada ka na pala diyan sa Palau ah. Matagal-tagal na ang inalagi mo d’yan. Nawa’y dumating na araw na makauwi ka na at makapiling yung iyong pamilya.

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *