Quick Ways To Get Google AdSense Approval

Ewan! Di ko alam! Hehehe, ang tutuo sa pagkakaalam ko kailangan munang magkaruon ng kahit 10-20 pages/articles ang isang blog bago mo ito iapply para sa Adsense, kailangan din may traffic na rin sa blog mo. Ibig sabihin may mga bumibisita na rin at nagbabasa ng bawat article mo.

Di naman kailangan maging elegante ang blog mo para lang maaprubahan ni Uncle Google, di rin naman kailangan marami kang widget…Kailangan mo lang ay tibay ng loob, lolzz

Ganito kasi yan, may tinuruan akong magblog at mag-apply sa Google AdSense base sa nalalaman ko. Una syempre pinagawa ko sya ng blog, sa blogger.com ang pinakamabilis. Pangalawa, dapat sa araw-araw may isang article kang maipost. Di ko muna tinuro ung paglagay ng mga widget, kung ano ang ilagay ng blogspot sa blog nya, pabayaan nya lang, gaya ng walang kamatayang About Me, ung Google Friend Connect, at ung Blog Archive.

Yan lang!, pagkalipas ng isang linggo may nabasa akong isang article na pwede palang magreapply sa Google AdSense kapag na-deny ka sa unang pagkakataon, ang tutuo kahit ilang deny pa yan, reapply ka lang uli..After ko nabasa yun, ung balak naming mag-apply sa Google AdSense after 1 month na pagba-blog nya ay napaaga, sabi ko mag-apply na sya sa Google AdSense. Pero bago yun, tinuruan ko muna syang ipasa ung sitemap nya gamit ang Webmaster Tool na makikita sa baba ng dashboard ng kanyang blogspot(mukhang ung pagsubmit ng sitemap ang nagpabilis ng approval).

Pagka-apply nya, hintay lang ng tatlo o apat na araw. At kahapon nga sabi nya may email na raw si Uncle Google sa kanya at aprubado ang application nya! O diba, ambilis lang!

Ganun lang kabilis, wala pang traffic ung blog nya, wala pang ka-exchange links, wala pang kung ano-anong widgets sa pahina nya

Ayan ung? screenshot ng pahina nya, makikita mo sa sidebar kung gaano karami ang post nya, pero mayroon nang AdSense. O diba, Ambilis lang!

Ang mahalaga dito, wag kang aasa na maaaprubahan agad ung application mo, dahil tingin ko sa nangyari sa blog ng kaibigan ko ay tsamba lang, pero wala namang masama na sumubok eh…Pwede pa namang ulitin!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Ay akala ko english ang post na ito. 😀 heheh.
    Ang sikreto lang naman dyan sa adsense na yan e, content at matinong template/theme. Hehe. Tapos ayun, maaaprove din.

    Ang mahirap lang e yung kumita. XD

    • LordCM says

      hahaha, ako mag-eenglish?! lolzz, nakatago ang english ko, ayaw lumabas 😀

      agree ako sa content pre, pero sa template/theme, ginamit lang kasi ng friend ko eh ung mga default sa blogspot…simpleng template lang.

      tama ka jan, ang kumita ang pinakamahirap :))

  2. says

    Maganda ang pagkakasabi. 🙂 at humorous rin. Helpful sa mga newbie talaga. Ilang na ako sa blogging thing na to, pero nasa newbie category parin ako. 🙁 marami pa akong d alam tungkol sa google.

  3. says

    kahit ilang beses kong i-consider, hindi ko talaga magawang maglagay ng ads sa blog ko dahil nakakaclutter ng layout… ok lang na di na mapagkakitaan hehehehe

    • LordCM says

      tsambahan nga lang siguro yan no pre…kasi ung isa kong account, nadecline, english naman at may ilang post na rin…

  4. says

    tama nga.. sa friend ko din nga nagpost lang sya ng 10 article… tapos pinalipas nya lang ang 1 week then nag-apply sya ng Adsense… tpos sa sumunod na week yun may nag-email na taga adsense sabi sa kanya i-verify nya daw na sa kanya yung website then mag-email back sya.. tapos nun approve na sya… 🙂

  5. says

    di ko alam kung ilang beses na pero ang alam ko marami na kong pinasa sa google before for the ads pero laging denied.. it came to the point na niblock na nya yung gmail account ko.. hahah

    the next thing I did was to create another gmail account at yun ang ginamit ko.. presto! kinabukasan lang accepted na.. weird ni google nu?! :))

  6. says

    nagkaadsense na rin ako sa blog ko dati, halos 6 months kong niligawan c GA, pru b4 ko palang natanggap ang PIN eh disabled na agad ang GA ko(iligal activities).. hahay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *