Para sayo, PNoy!

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kaya nagdedesisyon ang karamihan na mangibang bansa ay dahil para sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay diba? Walang tao na gustong malayo sa kanyang mga mahal sa buhay, pero kung kinabukasan ang pag-uusapan, lahat pwede nilang isakripisyo.

Nandito ako ngayon sa ibang bansa, dala ang pangarap na mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak ko, mabigyan sila ng magandang kinabukasan, at maibigay kung ano ang kaya kong ibigay. Oo, eto ang pinili ko, kaysa magtiis sa kakarampot na sweldo sa aking bayan.

Pansariling ginhawa ang pinunta ko rito, tulad ng sabi ni PNoy, para sa akin, para sa aking pamilya, at para sa mga mahal ko sa buhay. Lahat naman ng nangibang bansa ganun ang nasa isip eh. May tama rin si PNOy!

Pero kalaunan, habang lumilipas ang panahon, trabaho, bahay, padala ng pera sa Pinas…nakikita ko ung mga resulta ng pinaghirapan ko, oo nakakapagpadala ako sa pamilya ko, pero ang matindi nito, nakikinabang na pala ang Bansang Pinas sa bawat sentimo na pinapadala ko.

Akalain mo yun? Pansariling ginhawa ang pinunta ko dito pero ngayon, ng dahil sa padala ko, nananatiling angat ang ekonomiya ng sarili kong bansa. Ng dahil sa padala ko may sinusuweldo ang mga nakaposisyon sa bawat embahada ng Pilipinas sa buong mundo. Ng dahil sa padala ko may naibubulsa ang mga politikong walang ginawa kundi mangurakot ng kaban ng bayan.

Di ba naisip yan ni PNoy nung sabihin nya sa kanyang SONA ang mga katagang ito;

Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo, ?Salamat po.?

Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, sabihin mo, ?Salamat po.”

Para sayo, Mabuting Pangulo ng Pilipinas,

Pansariling ginhawa man ang aming dahilan sa pag alis ng bansa, alam ng karamihan na nakikinabang ka sa padala namin. at alam ng karamihan na isa kami sa dahilan kung bakit hindi bumabagsak ang ekonomiya ng Pinas.

Ilang taon ka pang uupo bilang Pangulo ng Pilipinas, sana man lang sa susunod na SONA wag mo na kaming pintasan, masama na nga loob naming wala kang plano para sa mga OFW eh.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    pasasaan bat darating din ang panahon na kayo ang uunahin niya,dahil nga sa isa kayo sa nagpapaangat ng ekonomiya ng pinas!

    Tingnan na natin sa mga susunod na mga taon ng knyang panunungkulan..

  2. says

    May nabasa rin akong ganito, parehong topic, parehong pumuna sa SONA ni Pnoy. Sa simulat simula palang dun sa unang speech nya nung umupo sya bilang pangulo, Wala talaga sa kanyang prioridad ang mga OFW. Masyado nyang pinagtutuunan ng pansin yung mga dumi nung nakaraang administrasyon, Hanggang sa ngayon ganun parin ang prioridad nya.

    Pero ang tanong. May napaparusahan ba? Nakulong na ba yung pinupuntirya nya?.. Wala!! PUnyeta lang..

    Di bale boss CM wag na nating pansinin yan. Maganda naman yung outcome ng mga pinaghirapan eh, Achievements palang ng mga junakis e bawing bawi na!.. hehe

  3. says

    Ayusin niya kasi ang pamunuan niya para umangat ang ekonomiya at mabawasan ang mga napipilitang mag-OFW. Ang hirap kasi sa kanila eh Porsche mentality si PNoy at mga bata niya.

    Mantakin mo bumili ba naman ng 20+ na Mac na laptop. Ang mahal kaya ng Mac! Eh ang totoo naman eh kung anu yung kayang gawin ng Mac ay kaya ding gawin ng mas murang laptop. Grabe na itong mga ito. Pera ng Pilipino ang nilulustay nila para lang feeling cool sila.

    • LordCM says

      langya! mac pa talaga binili ah…ewan ko lang ngayon kung di nya maramdaman ang halaga ng ofw dahil sa crisis sa US

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *