DTI Permit Number?!!!

Ano ba yan? Irerequire daw ang mga bloggers na kumuha ng DTI Permit Number, at ano kaya kasunod? Tax? lolzz pati ba naman kaming naghahanap lang ng paglilibangan gagatasan nyo pa! Wag naman na. Ang dami nyo pang problema sa labas ng online world tapos papasukin nyo pa kami. Para namang madali para sa inyo na malaman kung Pinoy nga ako at kailangan kong kumuha ng DTI Permit Number. Goodluck na lang, mag eenglish ako sa bawat post ko pag naimplement nyo yan!

Kasi naman tong mga NBA ba yun? National Bloggers Association ata, nababasa ko sila raw ang nagpapakalat nito eh. Anong dahilan? para makilala sila? at sumali ang mga bloggers sa organization na yan na sila ang maghahari? weehh? malayang-malaya kaming nakakapagsulat manggugulo kayo. Wala naman kaming mga problema pagdating sa blogging para magkaruon ng isang organization na poprotekta sa amin eh, ok na kami sa ganito, kahit wala kayo! Darami lang ang problema kung may organization para sa mga bloggers, at malamang mahaluan ng politika yan. Mas malakeng problema!

Masyadong maliit ang isyu na to para pag-usapan at pagdebatehan, may mga nagpapalake lang, ng sa gayon makilala sila, maitayo nila ang organization na paghaharian nila. Di mangyayari yun hanggat may mga bloggers na gustong maging malaya sa bawat pagsusulat nila.

At isa pa pala!…Yung organization na nagrerepresent ng mga bloggers daw, wag nyo ako isama jan. Di ako blogger, wala lang akong magawa kaya nagsusulat ng konting kwento ng buhay, at kung minsan nagpapa-contest at nagpapa-SMILE nga mga bata.

Nga pala, di ko na nilagyan ng mga link, lalo pa silang sisikat eh…

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      tuloy mo pre ung pakulo mo, di pa naman siguradong matutuloy yang sa DTI, pinag uusapan pa ng magagaling 😀

  1. says

    haha. ang init ng ulo lols, yan na nga ba sinasabi natin eh! pag maingay mas mapapansin! tsk tsk.. mga association kase, pakulo dito, pakulo dun!. seminar dito seminar dun! lols

    mas maganda padin talaga ang blog na sarili mo. sariling diskarte walang guide, walang rules, walang batas at higit sa lahat walang permit permit!

    **
    on the other side, balita ko ang irerequire na kumuha ng permit ung mga nag papa promo.. nag papa contest, halimbawa yung pasabook ni mads, yung domain raffle ni bino, at kung ano ano pa.. tsk mga maliliit na bagay pag iisipan pa nilang gawing kumplikado.. ibalato na nila sa tin to diba..sige sila, pag tinuloy tuloy nila yan marami namang pwedeng mang tanggol sa atin, andyan sila anonymous, LulzSec hacker at marami pang iba haha.

  2. Pong says

    Nabasa ko na dati pa ang NBA na yan may mga punto na sang-ayon ako sa mga inihain nila. Pero dun sa DTI Permit kung sino man ang may panukala niyan ay dun ako hindi agree. Sabagay, kani-kaniya lang yan. Dun na lang tayo sa paraang mag-eenjoy tayo kagaya ng nabanggit mo ang makapagsulat ng mga kwento ayt makapagpasaya.

    Muli pong nakadalaw, be blessed!

  3. says

    Hindi din ako sang ayon sa DTI sa kanilang pag pupursigi na i-require ang bloggers na kumuha ng permit. Hindi ko rin nagustuhan na may grupong nakipag usap sa DTI na nagpaisip sa DTI na sila na ang grupo para sa lahat ng bloggers. Kaya ako mismo gusto kong makaharap ang mga taga DTI kung may pagkakataon para masabi ang mga disagreements ko sa kanilang pinapanukala.

  4. says

    Hindi naman na dapat pang magkaruon niyan. Permit para saan? Pagkakitaan din nila ang mga bloggers? Tsk. Tsk. And besides yung NBA, hindi naman sumasaklaw sa lahat ng bloggers. Kung gusto nila lahat lang ng members nila magka-permit. Pero yung mga labas sa organization nila, hayaan nilang malayaang makapag-blog at makapag-pakontes or promo.

    (Boss, nadoble ata comment ko. Pa-delete na lang. Thanks!)

  5. says

    wohooo never, agree ako sayo di ako papayag no, at paano naman nila matitrace ang mga bloggers na Pinoy no??? hay naku mga walang magawa talaga mga yan kaya kahit ano na lang gustong pasukan, nakakapag init naman ng ulo ang balita na yan hahaha…..basta ako dislike ko rin yan, kakampi mo ako dito lol

  6. says

    DTI??? ahahaha…effort yun…dapat lahat may permit..permit to blog, permit to read, permit to eat, permit to watch…permit permit.. permit to permit… wahehehe… astig yan…suportahan natin yan… tae sila!… ahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *